Pagpaparehistro ng SIM card muling iginiit ni Sen. Win Gatchalian

Imahe mula sa ThaiTech
  • Muling iginigiit ni Sen. Win Gatchalian na dapat iparehistro ang mga SIM cards
  • Ito ay upang mas mabilis na matunton ng mga awtoridad ang mga gumagawa ng mga panggagantso gamit ang mobile phone
  • Hindi na umano mabilang ang mga kawatan na gumagamit ng unregistered SIM cards

Matapos mabiktima ng online fraud, muling iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na ipasa ang kanyang panukalang batas na nag-aatas na iparehistro ng mga users ang kanilang prepaid subscriber identity module card o SIM card.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Win Gatchalian

Ito ay upang mas mabilis na matunton ng mga awtoridad ang mga gumagawa ng mga panggagantso gamit ang mobile phone.

Aniya, nito lang mga nakalipas na buwan, marami ang nabiktima ng mga online fraudsters na gumagamit ng prepaid SIM card sa kanilang ilegal na gawain.

Kamakailan lang, si Sen. Gatchalian ay nabiktima rin ng isang high-tech na kawatan gamit ang prepaid mobile phone. Nagawa nitong mapasok ang isang security feature ng web-based services- ang One-Time-Password (OTP).

“When fraudsters gain access to OTPs, it’s as if they’re the actual owners of the account doing the transaction,” sabi ng senador.

Una nang naghain ng panukalang batas hinggil sa SIM registration si Sen, Gatchalian noong 2016. Muli niya itong inihain noong taong 2019.  Aniya, sa ngayon ay napakahalagang ma-regulate ang bentahan ng SIM cards na tiyak na makatutulong upang mapigilan ang mga ilegal na gawain.

Imahe mula sa Explore

Ang walang katapusang supply ng SIM card ay naging magnet raw na para sa mga illegal activities simula nang magkaroon ng pandemya. Hindi na umano mabilang ang mga manggagantso na gumagamit ng unregistered SIM cards.

“Mahalagang may mukha o pangalan sa likod ng mga prepaid SIM cards lalo na ngayong panahon ng pandemya na kailangan ng contact-tracing. Anong kaibahan kung gagawin nang requirement ang pagre-register ng mga prepaid SIM cards sa requirement na kailangang mag-register sa mga lugar na pinupuntahan mo para sa contact-tracing?” tanong niya.

Screenshot ng Faceboopk post ni Sen. Win Gatchalian

Sa ilalim ng inihaing Senate Bill Number 176 o ang proposed SIM Card Registration Act, ang mga bibili ng SIM card ay ire-require na magprisinta ng valid ID at pipirma sa isang registration form na may control number mula sa service provider ng biniling SIM card.

Bibigyan ng kopya ng pirmadong registration form ang service provider at ang National Telecommunications Commission.

Loading…