Pagsunod sa health protocols, pinakamabisang depensa kontra sa bagong COVID-19 variant – DOH

Screenshot mula sa GMA video
  • Pinakamabisang depensa sa UK variant ng COVID-19 ang pagsunod sa minimum public health standards
  • Kabilang dito ang wastong paggamit ng face mask at face shield, physical distancing at malimit na paghuhugas ng kamay
  • Ang UK variant ng COVID-19 ay na-detect mula sa isang Pilipino galing sa United Arab Emirates

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Genome Center na naririto na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom (UK) na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.

Imahe mula sa NPR

Sa gitna ng bantang dala ng new COVID-19 variant, muling nagpaalala sa publiko ang DOH na sumunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.

Maiiwasan umano ang pagkalat nito kung istriktong susundin ang mga health protocols.

“Mayroon mang mga bagong variants ng COVID-19, maiiwasan pa rin ang pagkalat nito sa striktong pagsunod sa ating minimum public health standards. Paigtingin natin ang wastong paggamit ng face masks at face shields, physical distancing at malimit na paghugas ng kamay,” ayon sa DOH statement.

Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na bagamat sinasabi na mabilis nakakahawa ang bagong COVID-19 variant, wala pa naman daw na ebidensya na nagbago ang mode of transmission nito kaya’t mabisa pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards at pagpapanatili sa ating kalusugan upang hindi mahawahan.

Imahe mula sa DOH

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang UK variant ng COVID-19 na na-detect mula sa isang Filipino na umuwi sa Pilipinas galing sa United Arab Emirates noong January 7.

“Kagabi po, kinumpirma ng Department of Health at ng Philippine Genome Center ang detection ng B117 SARS-CoV-2 o mas nakikilala na UK variant sa bansa matapos magpositibo sa isinagawang genome sequencing and sample mula sa isang Pilipinong galing sa United Arab Emirates,” wika ng kalihim.

Ang pasyente ay isang lalaki na residente ng Quezon City. Kasalukuyan na itong naka-quarantine.

Screenshot mula sa DOH video

 

Loading…