Pagtaas ng presyo ng mga bilihin isang ‘tragedy in the making’ – Alan Peter Cayetano

Imahe mula sa RMN
  • Isang “tragedy in the making” umano ang patuloy na tumataas na presyo ng bilihin, ayon kay Rep. Alan Peter Cayetano
  • Nanawagan siya sa DTI na gumawa ng pagsisiyasat upang matugunan ang isyu
  • Upang maging kuntento at masaya ang mga Pilipino, tatlong problema ang kailangang masolusyunan – mataas na presyo, kawalan ng trabaho at kakulangan sa kita

Nanawagan si dating House of Representatives Speaker at Taguig-Pateros 1st District Representative Alan Peter Cayetano sa Department of Trade and Industry (DTI) na agarang magsagawa ng pagsisiyasat hinggil sa tumataas na presyo ng mga bilihin sa bansa. Isa umano itong “tragedy in the making.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Alan Peter Cayetano

Dapat daw gumawa ng aksyon ang DTI upang maresolba ang isyu.

Ramdam na ramdam umano ng mga mamamayang grabeng naapektuhan ng pandemya ang nangyayaring pagtaas ng mga basic commodities. Nakaaalarma na raw ito.

“Per recent reports, inflation across the country is quickly, inexplicably picking up as the prices of many of our basic commodities are rising rapidly. The figures are alarming. In December last year, the Philippine Statistics Authority observed a 3.5 percent increase in the price of basic goods,” aniya.

Bagaman at inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa tumataas na presyo ng langis at ng mga agricultural products, sinabi ni Cayetano na iba ‘yung tinitingnan sa spreadsheets ang mga numero at iba rin iyong makikita mo ang epekto ng pagtaaas ng bilihin sa mga mukha ng mga mamamayan.

Imahe mula sa The Straits Times

Aniya, upang maging masaya ang mga Pilipino, tatlong problema ang kailangang masolusyunan – mataas na presyo, kawalan ng trabaho at kakulangan sa kita.

Ang mga problemang ito raw ang dapat bigyan ng prayoridad ng pamahalaan habang patuloy na nakikipagbuno ang bansa sa COVID-19 at sa epekto nito sa ekonomiya.

Loading…