PAL hindi muna magsasakay ng foreign passengers galing sa US dahil sa bagong COVID-19 variant

Imahe mula sa PAL
  • Inanunsyo ng PAL na hindi na muna ito magsasakay ng mga foreign passengers mula sa US
  • Ang temporary restriction sa US ay mula January 3 hanggang January 15, 2021
  • Ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag-rebook sa susunod na available flight pagkatapos ng restriction period
  • Exempted ang mga Pinoy sa travel restriction, subalit kailangan nilang sumailalim sa mandatory 14-day quarantine pagdating sa Pilipinas

Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) noong January 1, 2021 na hindi na muna magpapasakay ng mga banyagang pasahero mula sa United States (US) o sinumang foreign travelers na nanggaling doon bilang precautionary measure laban sa mas nakahahawang COVID-19 variant.

Imahe mula sa PAL

Sa advisory ng flag carrier sa social media page nito, simula ngayong Linggo, January 3, hanggang January 15, 2021 ay hindi sila tatanggap ng mga foreign passengers mula sa US matapos itong isama ng national government sa mga bansang inilagay sa travel restrictions.

May kumpirmadong kaso ng new variant ng COVID-19 sa Colorado kaya isinama ang US sa travel restriction.

Nilinaw ng PAL na ang lahat ng mga pasahero, Pinoy man o banyaga, ay papayagang makasakay ng PAL flight kung ang schedule ng dating nila sa Pilipinas ay bago ang 12:01 a.m ng January 3, pero kailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga ito.

“All passengers — whether Filipino citizens or foreign nationals — who are originating from the US or who have traveled to the US within the 14 days before entering the Philippines and are arriving BEFORE 12:01 a.m. Jan. 3, 2021, will not be prohibited from entering the country but will have to undergo a 14-day quarantine period at a stringent quarantine facility,” pahayag ng airlines.

Imahe mula sa PAL

Ayon pa sa PAL, ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag-rebook ng susunod na available flight pagtapos ng restriction period. Hindi na sila sisingilin ng rebooking service fee.

Exempted sa nasabing travel ban ang mga Pinoy na galing sa US, subalit kailangan nilang sumailalim sa mandatory 14 day quarantine.

Imahe mula sa PAL
Source :

Facebook, Tribune

Loading…