Palasyo kinuwestyon ang panghihimasok ng senado sa seguridad ng Pangulo

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Kinuwestyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang diumano ay panghihimasok ng senado sa seguridad ng Presidente
  • Hindi umano maintindihan ni Roque kung bakit panghihimasukan ng senado ang seguridad ng Pangulo gayong hindi naman nanghihimasok ang Pangulo sa seguridad ng senado
  • Plano ng senado na imbitahan sa isang pagdinig si PSG Commander Jesus Durante III dahil sa isyu ng pagpapainiksyon ng mga PSG troops ng COVID-19 vaccine na hindi aprubado ng FDA

Kinuwestyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang plano ng senado na magsagawa ng imbestigasyon sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nauna nang nagpabakuna kontra sa COVID-19 sa layuning maproteksyunan ang Pangulo.

Imahe mula sa PCOO

Sa isang press briefing ay tinanong si Roque kung pahihintulatan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo ang PSG Commander na si Brigadier General Jesus Durante III sa pagdinig sa senado.

“Papahintulutan ba ng punong ehekutibo si PSG Commander Durante na dumalo sa gagawing pagdinig ng senado sa vaccine rollout. Bakit or bakit hindi?” ang tanong kay Roque.

Sinabi ni Roque na hindi niya alam kung papayagan ni Pangulong Duterte na dumalo sa senate hearing ang PSG commander.

“Hindi ko po alam,” aniya.

Hindi raw niya maintindihan kung bakit pinanghihimasukan ng senado ang seguridad ng Pangulo.

“Pero hindi ko po maintindihan kung bakit panghihimasukan ng senado, co-equal branch of government, ang seguridad ng ating Presidente eh, gayong hindi naman pinanghihimasukan ng Presidente ang seguridad ng senado,” sambit ni Roque.

Imahe mula sa PCOO

“So, siguro po mutual respect for equal branches of government,” pahabol pa niya.

Inamin ni PSG Commander Durante na noong buwan ng Setyembre pa sila nabakunahan nang hindi nalalaman ni Pangulong Duterte. Sila raw mismo at hindi medical proffessionals ang nagturok ng bakuna. Hindi niya sinabi kung saan galing ang COVID-19 vaccine na ginamit nila.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Dahil sa kanyang pagsisiwalat ay iminungkahi ni Senator Franklin Drilon na imbitahan sa isang senate hearing si Durante upang mabigyan ng linaw ang isyu.

Loading…