Parañaque task force members na gumamit ng dahas sa vendor sisibakin

Screenshot mula sa video ng DZMM via Twitter
  • Suspendido na ang limang task force members na gumamit ng dahas sa vendor sa Parañaque
  • Sinabi ni Mayor Olivarez na posibleng sibakin ang mga ito at sampahan ng administrative cases
  • Pinuri ng CHR ang mabilis na aksyon na ginawa ni Mayor Olivarez

Suspendido na ang limang miyembro ng Parañaque task force na gumamit ng dahas sa isang vendor na ayaw magsuko ng kariton nito kaugnay ng clearing operation na ginawa sa Baclaran.

Screenshot mula sa ANC video

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, nahaharap din ang mga ito sa posibleng terminasyon ng kanilang serbisyo bukod sa administrative cases na isasampa laban sa kanila.

“We will not tolerate this. Immediately, the city government, our office, pina-suspend po natin ‘yung ating pong limang task force na iyon. Magkakaroon po kami ng thorough investigation, ‘pag napatunayan po ‘yan—at kitang-kita naman po sa video—they will be terminated and sila po ay kakasuhan for abuse of authority,” wika ng alkalde.

Sinabi ni Mayor Olivarez na hindi nasunod ng mga task force members ang protocol sa mga clearing operations ng siyudad.

“Ang protocol natin, bibigyan ng notice dapat si Warren (vendor) o kung sino man ‘yung may obstruction sa kalsada, voluntarily dapat tatanggalin po niya ‘yan. Kung ‘di po siya tinanggal po, bibigyan po siya ng OVR, ‘yung ating pong official violation receipt na meron siyang na-violate na ordinansa ng city government of Parañaque. ‘Yan po ang protocol,” aniya.

Screenshot mula sa video ng DZMM via Twitter

Sa isang panayam, ipinaabot ni Mayor Olivarez ang paghingi niya ng paumanhin sa pamilya ng vendor na si Warren Villanueva.

Nagbigay ng pahayag ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa pangyayari.

Sabi nito, nakababahala ang ginawa ng task force members na napanood sa isang video na ibinahagi ng isang saksi sa social media.

“Using force is only necessary when there’s imminent danger and it must be commensurate to the threat being avoided. Otherwise, such brute force constitutes cruelty, degrades the person and can cause long-term psychological harm,” pahayag ng CHR.

Imahe mula sa CHR

Pinuri ng CHR ang mabilis na aksyon na ginawa ni Mayor Oivarez upang matiyak na hindi na muling mauulit ang insidente.

BASAHIN: Vendor marahas na hinuli dahil ayaw isuko ang kariton sa clearing operation; 2 senador naalarma

Loading…