Pari ipinagdiwang ang Bagong Taon kasama ang mga pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay

  • Isang pari ang nakisalo sa mga pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay sa pagdiriwang ng Bagong Taon
  • Binigyan niya ng tinapay at juice ang mga ito
  • Kinalugdan naman ito ng mga netizens

Naantig ang damdamin ng mga netizens sa isang pari na piniling makisama sa mga pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay, upang ipagdiwang ang pagpasok ng Bagong Taon.

Makikita ang mga larawan ni Fr. Danny Pilario sa Facebook page na “Kuya CFD” kung saan makikita ang kaniyang pakikisalo sa mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay ng Congressional Avenue Exit sa Quezon City.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

“Isang paring Katoliko, ipinagdiwang ang Bagong taon kasama ang mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay. Ipinagdiwang ni Fr. Danny Pilario ang kanyang Bagong Taon hindi sa Simbahan, kundi kasama ng mga taong naninirahan lamang sa ilalim ng tulay ng Congressional Ave. Ext.,” ayon sa caption ng Facebook post.

Sa pagpapatuloy, “Dinalhan ng nasabing pari ng tinapay at juice ang mga nakatira doon at kanilang pinagsalo-saluhan. Isang malasang tinapay at juice lamang ang naihandog ng pari sa kanyang mga kaibigan subalit itinuring nila itong KATAWAN AT DUGO ng Panginoon.”

“Anomang uri ng pagkain o halaga ang iyong naibahagi, kung ito ay nakakapagdulot ng isang matamis na ngiti, mas nakatitiyak tayo na mas masaya ang Diyos na nasa langit,” saad pa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Following the footsteps of their Founder, Saint Vincent de Paul! Bless you more, Father Danny! Nawa ay pamarisan po kayo ng lahat! Mag-iingat din po kayo,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Father, you are indeed a blessing from above, fabulous priest, sana all! Stay safe father and God bless.”

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

“Tunay na alagad ng Diyos! Sana all! Siya ay isang paring tunay na lingkod ng Diyos na kayang makisalamuha kahit sa mga abang tao,” wika naman ng isa.

Mabuhay po kayo Fr. Danny Pilario! Nawa po ay magpatuloy pa ang inyong kabutihan! Pagpalawin pa po kayo ng Poong Maykapal!

Source :

Facebook

Loading…