Pasaherong ayaw mag-face mask idiniretso ng taxi driver sa presinto

Imahe mula sa PNG
  • Sa loob ng selda nag-bagong taon ang isang lasing na pasahero ng taxi dahil tumanggi itong magsuot ng face mask
  • Hinawakan din ng pasahero ang mukha ng taxi driver
  • Pinagmulta ng 690 Canadian dollars o katumbas ng mahigit P26,000 ang naturang pasahero na ipinasok sa selda hanggang sa mahimasmasan ito

Sa likod ng malamig na rehas ng piitan nag-bagong taon ang isang pasahero dahil sa pagtanggi niyang magsuot ng face mask habang nakasakay sa taxi cab sa Canada.

Imahe mula sa MWDN

Batay sa report ng Victoria Police Department (VicPD), dakong ala-una ng madaling araw noong Biyernes, Januaty 1, 2021 ay tumawag sa 911 hotline ang isang taxi driver upang ireklamo ang isang pasaway na pasahero na ayaw sundin ang guidelines ng COVID-19 Related Measures Act (CRMA).

Hinawakan pa umano ng lasing na pasahero ang mukha ng taxi driver, na nagpasyang dalhin ito sa VicPD headquarters kung saan naghihintay na ang mga traffic police officers.

“Just after 1 a.m. a taxi driver called 911 to report that a man in their cab was refusing to wear a mask, touching the driver’s face, and belligerently refusing the driver’s requests for the passenger to adhere to CRMA guidelines. The taxi driver drove their cab to VicPD’s 850 Caledonia Avenue headquarters, where it was met by waiting Patrol and VicPD Traffic officers. The passenger refused to comply with officers’ demands he leave the vehicle. He was removed from the cab and taken into custody by the officers,” saad ng press release ng VicPD.

Imahe mula sa VicPD

Pinagmulta ng 690 Canadian dollars o katumbas ng mahigit P26,000 ang naturang pasahero na ipinasok sa selda hanggang sa mahimasmasan ito.

Source :

VicPD, CBC

Loading…