Pasasalamat: Babaeng na-detain nagpasalamat sa guards; binigyan ng 4.5-star rating ang “jail accommodations”

Imahe mula sa The Balance Career
  • Babaeng ilang araw napiit sa isang facility sa Canada, nagpasalamat sa mga jail guards
  • Nagpadala ng handwritten thank you card ang babae matapos makalaya
  • Natuwa ang West Shore RCMP sa ginawa ng babae na nagbigay pa ng 4.5-star rating sa naging karanasan sa piitan

Nagpadala ng handwritten thank you card sa West Shore Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ang isang babae na nahuli at namalagi ng ilang araw sa ilalim ng kustodiya ng pulisya sa Victoria Island, British Columbia sa Canada.

Imahe mula sa West Shore RCMP

Nagbigay pa ang babae ng positibong “review” sa naging karanasan niya sa pasilidad.

Hindi sinabi ng West Shore RCMP ang dahilan ng paghuli sa babae upang itago ang pagkakakilanlan nito, pero kinumpirma nito na ilang araw din ang inilagi ng babae sa pasilidad.

Ibinahagi ng West Shore RCMP sa social media ang handwritten thank you card na ipinadala sa kanila ng babae.

“West Shore RCMP don’t often get thank you cards from people who “stay” with us, but this was nice to see. 4.5-star rating to boot,” tweet ng pulisya kalakip ang screenshot ng mensahe sa thank you card.

Sa sulat, pinuri ng babae ang kabaitang ipinakita sa kanya, partikular na ng apat na prison guards.

“I was nervous about staying with you guys during my trip to the island, but I wanted to let you know that I appreciated how helpful and kind everyone was. Especially the 4 jailors who do a tough job and are often under appreciated by the people in their care. You make a difference,” saad ng babae sa card.

Imahe mula sa West Shore RCMP

“Thank you for your care and kindness while I was in your custody,” sabi pa nito kasunod ang ibinigay na 41/2 stars.

Ayon kay West Shore RCMP spokesperson Constable Nancy Saggar, iyon lang ang natatandaan niyang sulat na natanggap nila mula sa isang nakulong doon.

“We were very impressed and happy with our review. The point here is that we do treat everybody with respect. Just because you’re in jail, you still have your rights and we’re going to respect that,” aniya.

Source :

CTVNews, Inquirer

Loading…