Pasig City pinakaunang LGU na naaprubahan ang vaccination plan

  • Aprubado ang vaccination plan ng Pasig City
  • Iyan ang ibinahagi ni Mayor Vico Sotto
  • Ang Pasig City ang kauna-unahang local government unit na naaprubahan ng vaccination code team

Ibinalita ni Mayor Vico Sotto sa kaniyang mga social media platforms na naaprubahan ng Department of Health at World Health Organization ang kanilang vaccination plan; ang kauna-unahang local government unit na nabigyan nito.

“I was told that Pasig is the first LGU with a DOH/WHO-approved vaccination plan!!” saad ni Mayor Vico sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto

Dagdag pa niya, “Our LGU’s Beat COVID-19 Task Force will continue to work with our national government agencies, WHO, private medical institutions, and NGOs. They’ve been with us every step of the way.”

Ibinahagi rin niya sa kaniyang mga social media platforms ang pagbisita ng vaccination code team sa LGU.

“We live in a time full of uncertainties. Even with our vaccination program, there are many things beyond our control. The global supply chain is beyond our control. Ang mahalaga, handa tayo, para makapagsimula tayo sa mismong araw na dumating ang mga bakuna,” saad ng mayor sa kaniyang Facebook post.

Pinasalamatan din niya ang mga taong nasa likod nito.

“Thank you to the national government agencies and their representatives who visited Pasig this morning. Among those present were Vaccine Czar Sec. Charlie Galvez, Testing Czar Sec. Vince Dizon, MMDA GM/Usec. Jojo Garcia
DILG Usec. Epi Densing, at DOH Usec. Carol Taiño.”

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Well done and God bless Mayor. Very proactive! A lot of people are all talk, what they say and what they do are two different things. As the saying goes, talk is cheap. Without actions behind the talk, it is all useless,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Taga ibang lungsod ako pero parang mas gusto ko na lang manirahan sa Pasig! Pahiram naman po ng mayor ninyo!”

“Congrats Mayor Vico and your team! Always well-prepared your program. Galing talaga!” pagbati naman ng isa.

Pagbati Mayor Vico! Ang tiyak na makikinabang sa programang ito ay ang mga Pasigueno!

Loading…