Payo ng UP prof kay Roque matapos mapikon sa kaniyang tweet challenge: “Kalma lang”

Screenshot mula sa CNN PH video
  • Pinayuhan si Sec. Roque ni UP professor Arao na huwag maging pikon
  • Sana raw ay huwag ring ibunton nito ang sisi kay Pinky Webb
  • Nag-ugat ang init ng ulo ni Roque sa panayam ni Webb tungkol sa tweet challenge ni Arao

Kalma lang at huwag nang maging pikon; ito ang naging payo ni University of the Philippines (UP) Danilo Arao kay Presidential Spokesperson Harry Roque na uminit ang ulo sa isang panayam sa telebisyon kamakailan.

Ayon kay Arao, dati naman niyang kaibigan si Roque at hindi naman niya pinipilit ang tagapagsalita ng Palasyo na sumagot sa kaniyang tweet challenge.

“Wala naman puwersahan kung sagutin o hindi. Just for the record, dati naman kaming magkaibigan at nagkasama na rin kami sa ilang kampanya. Dumarating ang pagkakataon na magkakaroon ng pagkakaiba ng saloobin,” ani Arao sa panayam sa Teleradyo.

Screenshot mula sa Twitter

Ang tweet ni Arao ang naging dahilan para uminit ang ulo ni Roque sa panayam sa kaniya ni CNN Philippines anchor Pinky Webb.

Gusto kasing kunin ni Webb ang reaksiyon ni Roque sa tweet ni Arao na: “CHALLENGE: UP faculty and alumni who are Duterte’s top-level officials should denounce Lorenzana’s letter terminating the 1989 accord. This disregards everything that UP stands for. Should they remain silent, a six-word question: Where is your honor and excellence?”

Giit ni Roque, hindi siya ‘duty-bound’ para sagutin ang hamon ni Arao at ‘unfair’ umano ang naging tanong sa kaniya ng news anchor dahil mistulang pinipilit siya nito na sumagot sa challenge.

Prof. Danilo Arao| Screenshot mula sa Teleradyo

Nanindigan naman si Webb na naging patas siya kahit halatang napikon na si Roque sa kaniya. Nagresulta rin ito sa ‘makasaysayang hair flip’ ni Pinky na nagtrending pa social media matapos pagpiyestahan ng mga netizen.

“Hair flip is life!” Pinky Webb at Harry Roque nagkaroon ng tensyon sa CNN Philippines

Kaugnay nito, sinabi naman ni Arao na sana ay huwag nang pagbuntunan ng sisi ni Roque ang news anchor na ayon sa kaniya ay dapat ring purihin ‘for standing her ground’.

“Ngayon kung sinabi niya na ‘yung kaniyang good office ay puwedeng maging venue at puwedeng maging mekanismo para sa diyalogo ng UP at ng DND, eh ‘di gawin din yan pero sana kalma lang po. ‘Wag nang mapikon sana,” dagdag pa ng UP professor.

Loading…