PBA-inspired maternity photo shoot ng PBA star Peter June Simon at asawang beauty queen kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang PBA-inspired maternity photo shoot nina PBA star Peter June Simon at asawang si Bb. Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar
  • Ikinasal ang celebrity couple noong 2019 sa pamamagitan ng garden wedding sa Tagaytay City
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Basketball-inspired ang maternity photo shoot ng mag-asawang PBA star Peter June Simon at Bb. Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar na talaga namang kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kakaiba nilang konsepto, at naglalarawan sa propesyon ni Simon.

Makikita sa Instagram post ni Bb. Pilipinas Supranational 2018 ang kanilang mga larawan. Makikitang may disenyong basketball ang kaniyang tiyan, kaya para talaga itong bola. Kuha ang kanilang mga larawan ng “RatedLove Photography.”

Imahe mula sa Instagram account ni Jehza Huelar

“Hahaha! Which ‘ball’ is for basketball? What a fun, care-free maternity shoot,” saad sa caption ng IG post ni Mrs. Huelar-Simon.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Congrats! Nagbunga rin ang galing mo sa pag-shoot, PJ Simon! Biro lang hahahaha,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow, congratulations to the both of you! After two years, hayan na ang biyaya mula sa langit! Stay happy and safe!”

“Parang nakalunok ng bola si Jehza Huelar. Siguro babae iyan, ang ganda kasi niyang buntis! Saka may kurba pa rin ang katawan ha, infairness. Walang manas effect,” sabi naman ng isa.

Ikinasal ang celebrity couple noong Mayo 28, 2019 sa pamamagitan ng isang garden wedding saTagaytay City. Bukod sa mga kaanak, sinaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib ng kanilang mga kaibigan at kakilala sa sports at pageant community.

Imahe mula sa Instagram account ni Peter June Simon

Sa pageant community, dumalo sina Michele Gumabao, Nicole Cordoves, Karen Gallman, Eva Patalinjug, Venus Raj, at iba pa. Dalawa sa mga naging kaibigan ni Jehza dahil sa Miss Supranational pageant, na sina Minh Tu ng Vietnam at Sanjna Suri ng Malaysia ang lumipad pa patungong Pilipinas para makadalo at masaksihan ang natatanging pangyayaring ito.

Sa mga kaibigan at kasamahan naman ni Simon sa sports community, dumalo sina Marc Pingris kasama ang misis na si Danica Sotto, Jio Jalalon, Paul Lee, Mark Barroca, ang kanilang head coach na si Chito Victolero.

Naroon din sina Alvin Patrimonio, Tim Cone, Kerby Raymundo, Juno Sauler, Mon Jose, Tony Boy Espinosa, Jason Webb, at ang aktres na si Mylene Dizon.

Congratulations sa inyo, Peter at Jehza!

Loading…