PH, China nilagdaan na ang kontrata para sa $940-M Subic-Clark Railway project

Imahe mula sa Facebook-Chinese Embassy PH
  • Pirmado na ang kontrata para sa proyektong Subic-Clark railway sa pagitang Pinas at China
  • Ang proyekto na nagkakahalaga ng $940-M ay popondahan ng China
  • Ito ay gagawin sa loob ng 42 buwan at gagamit ng Chinese construction standards

Pinirmahan na ng Pilipinas at China nitong Sabado, Enero 16, ang kasunduang komersiyal para Subic-Clark Railway project na nagkakahalaga ng $940-M o mahigit P45-B.

Ang nabanggit na proyekto ay popondohan ng gobyerno ng China at itinuturing na pinakamalaking G2G (government-to-government) na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Screenshot mula sa Facebook-Chinese Embassy PH

Isa rin ito sa mga flagship project ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kaniyang “Build Build Build” program.

Ang paglagda ng dalawang pamahalaan sa kontrata ng proyekto ay inanusiyo ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa kaniyang social media account.

“Our cooperation continues! China and the Philippines just signed the commercial contract for the Subic-Clark railway project. This is so far the highest funded G2G project between the two countries valued at approx. $940 million and is the flagship project under the administration’s “Build, Build, Build” program,” ani Ambassador Huang.

Ang single track railway ay may habang 71 kilometro at mag-uugnay sa Subic Bay Freeport Zone at Clark International Airport, at magiging karugtong din ng North Railway Project na proyekto ng DOTr.

Imahe mula sa Facebook-Chinese Embassy PH

Gagawin ang proyekto base sa Chinese construction standards at nakatakda itong matapos sa loob ng 42 buwan o halos dalawang taon.

“Once completed, the railway will build resilient linkages between the commercial zones along the Subic-Clark corridor. Glad to see the improvement in logistic efficiency and other economic activities in the region,” ayon pa sa Chinese envoy.

Anumang oras umano ay sisimulan ang pag-aayos ng mga dokumento para naman sa negosasyon ng loan agreement.

Loading…