Pilipinas balik na sa U.S. H-2B Visa Program, Pinoy workers puwede nang mag-apply

Imahe mula sa Change
  • Mga Pinoy workers puwede na ulit mag-apply ng H-2bB non-immigrant visa sa U.S.
  • Maaaring mag-apply nito ang mga Pinoy kung sila ay eligible at kung may offer mula sa U.S. employer
  • Ang H-2B visa ay temporary working visa para sa non-agricultural jobs

Muling ibinalik ng U.S. Department of Homeland Security (DHS) ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang maaaring lumahok sa H-2B Non-immigrant Worker Program  matapos itong mawala sa listahan sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

Imahe mula sa AttyEImmigrationLawyer

Ang ibig sabihin nito ay maaari na ulit mag-recruit at mag-hire ng Filipino workers ang mga American employers. Ang paglahok daw ng Pilipinas sa programa ay makatutulong sa interes ng America, ayon sa DHS.

“The Secretary of homeland Security has also determined, with the concurrence of the Secretary of State, that the Philippines should be designated as eligible to participate in the H-2B non-immigrant visa program because the participation of the Philippines is in the U.S. interet consistent with the regulations governing the program,” pahayag ng DHS na na-publish sa Federal Register noong ika-13 ng Enero 2021.

Ang H2 visa ay temporary working visa. Mayroon itong dalawang kategorya – ang H-2A at H-2B.

Ang H-2A ay para sa mga agricultural workers, samantalang ang H-2B ay para sa non-agricultural workers. Dahil temporary lang ang visa ay dapat umuwi ng kanilang bansa ang mga nag-avail nito kapag expired na ang visa.

Karamihan sa mga Pilipinong nag-avail ng H-2B temporary working visa ay nagtrabaho sa hotel at sa mga construction projects.

Imahe mula sa VisaPro

Ayon kay Atty. Lourdes Santos Tancinco, Esq., isang San Francisco-based immigration attorney at immigrant rights advocate, maaari nang mag-apply nito ang mga Pinoy kung sila ay eligible at kung may offer mula sa U.S. employer.

Aniya, dapat seryosohin ng mga Pinoy workers ang kanilang mga responsibilidad bilang mga temporary workers upang walang maging aberya.

Ang Pilipinas ay inalis noon ng DHS sa listahan ng H-2B visa program dahil maraming Pinoy workers ang nag-overstay sa America.

Loading…