Pilipinas makikinabang sa US immigration policies sa ilalim ng administrasyon ni Pres. Joe Biden

Screenshot mula sa DW video
  • Makikinabang ang mga Pinoy sa US immigration policies sa ilalim ng pamumuno ng bagong pangulong si Pres. Joe Biden
  • Isa umano sa mga pangunahing programa ng Biden administration ay ang muling pagbabalik ng mga dating polisiya sa immigration
  • Kilala ang Democratic Party, kung saan miyembro si Pres. Biden, na kumikilala na ang immigration ay bahagi ng kultura ng US

Ibinalita ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes, January 21, na ang Pilipinas ay makikinabang sa immigration policies ng United States (US) sa ilalim ng administrasyon ng bagong pangulo nito na si Pres. Joe Biden.

Screenshot mula sa DW video

Isa umano sa mga pangunahing programa ng Biden administration ay ang muling pagbabalik ng mga dating polisiya sa immigration.

“Alam ko ‘yan ‘yung one of the main programs of the Biden administration is to go back to what they had, ‘yung kanilang immigration policies. So that will, of course, benefit our Filipino kababayans,” pahayag ni Ambassador Romualdez.

Anang embahador, kilala ang Democratic Party, kung saan miyembro si Pres. Biden, na kumikilala na ang immigration ay bahagi ng kultura ng US.

“The Democratic party has always been known to believe that immigrants make a country, has made the United States, and it is so because we have a lot of Filipino-Americans here that have been successful in all the fields,” ani Romualdez.

Imahe mula sa Philippines-Honolulu Organization

“Most Americans come from other parts of the world and they believe that the US is what it is today because of immigrants,” dagdag pa niya.

Nauna nang nakinabang ang Pilipinas sa ilang pagbabago sa immigration bago pa man pormal na nanumpa si Joe Biden bilang 46th President ng US.

Noong January 13, 2021 ay muling ibinalik ng US Department of Homeland Security ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang maaaring lumahok sa H-2B Visa Program kung saan maaari nang mag-apply ang mga Pinoy workers ng non-immigrant visa para magtrabaho sa America.

Imahe mula sa AttyEImmigrationLawyer

BASAHIN: Pilipinas balik na sa U.S. H-2B Visa Program, Pinoy workers puwede nang mag-apply

Loading…