Pinagsamang yoga at beer pampaalis ng stress sa gitna ng pandemya

Screenshot mula sa Reuters video
  • Pag-inom ng serbesa na isinasabay sa yoga nauuso sa Cambodia
  • Pampaalis umano ito ng stress na nararamdaman ng mga tao ngayong may pandemya
  • Limitado lang sa 12 ang bawat session ng beer yoga na ginagawa sa isang lumang garment factory upang masunod ang physical distancing
  • “It’s all about fun,” sabi ng may-ri ng brewery na nagpasimula ng beer yoga sa Cambodia

Ang yoga ay maituturing na pamana ng India sa buong mundo. Isa itong uri ng ehersisyo na mabuti raw sa pisikal, mental at spiritwal na kalusugan ng tao. Marami nang mga lumabas na hybrid nito tulad na lang ng dog yoga kung saan kasabay ng may-ari ang alagang aso sa pag-e-ehersisyo. Nauso rin ang goat yoga, at aerial yoga na gumagamit naman ng duyan sa pagyo-yoga.

composite photo ng yoga hybrids

Sa Cambodia, isang bagong hybrid nito ang nauuso – ang beer yoga na kumbinasyon ng yoga at pagtoma ng serbesa. Pinasimulan ito ng isang brewery o kumpanyang gumagawa ng serbesa noon lang Disyembre 2020.

Matagal nang napatunayan na ang pag-inom ng isang bote ng serbesa ay nakapagpapa-relax. At kapag sinabayan ng yoga ay sobrang nakaka-relax daw nito.

Hindi na bago ang beer yoga. Noong pang 2013 ay mayroon nang gumagawa ng ganito, pero muli itong naging popular dahil sa COVID-19 pandemic. Pampaalis daw ito ng stress sanhi ng pandemya.

Ayon sa may-ari ng TwoBirds Craft Beer brewery na si Connor Cheney Kirsch, ang beer yoga ay tungkol sa pagsasama-sama ng mga tao pagkatapos ng kanilang trabaho. Aniya, “It’s all about fun.”

Screenshot mula sa Reuters video

“It’s not like a real yoga practice, it’s more like a gathering with friends, incorporating yoga moves for entertainment,” sabi naman ng isang beer yoga instructor.

Mas masaya raw ang pagyo-yoga kasabay ng pag-inom ng serbesa, ayon sa isang yogi, ang tawag sa yoga practitioner.

“I have more fun with beer yoga. It’s not as serious as traditional yoga. We are with friends and say ‘cheers’ and sip beer and that makes me feel very happy,” anang beer yoga enthusiast.

Screenshot mula sa Reuters video

Limitado lang sa 12 ang bawat session ng beer yoga na ginagawa sa isang lumang garment factory upang masunod ang physical distancing.

Loading…