Pinakbet bouquet kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang unique na bouquet na swak na swak bilang token of love para sa Valentine’s Day
  • Sa halip kasi na mga bulaklak, mga gulay ito na panahog para sa pinakbet
  • Ang pinakbet ay sikat na cuisine o lutong-ulam na tatak ng mga Ilokano

Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng Valentine’s Day kaya naman inaasahan na ang pagdagsa ng mga nagbebenta ng flower bouquet, chocolates, stuffed toys, lobong pula at hugis-puso, at iba pang mga simbolo ng naturang pagdiriwang. Ngunit nakarinig ka na ba ng “pinakbet bouquet?”

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang kakaibang bouquet na sa halip na mga bulaklak, mga samu’t saring gulay ang nakapalamuti, na matatagpuan sa sikat na cuisine ng mga Ilokano na “pinakbet.” Makikita ito sa opisyal na  Facebook page na “Valdez Flowershop.”

Imahe mula sa Facebook account ng Valdez Flowershop/Public Domain Image

“Iyan po ang trademark naming mga Ilocano. Masarap ang aming pinakbet so why not give a pakbet bouquet sa mga minamahal,” saad nila. Ang naturang flower shop ay matatagpuan sa Laoag City, Ilocos Norte.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Makes something different. Not just chocolates and flowers always, I love it because it is different in sight and above all makes a lot of nutrients giving,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana samahan nq rin ng panahog, ilagay na rin diyan sa gilid-gilid para kompleto na at hindi na poproblemahin pa ng pagbibigyan ng bouquet.”

“Gusto ko ang mga ganitong mga gulay, healthy pa at malalayo sa sakit. Ang bulaklak, hindi makakain, malalanta rin at ang mahal pa, maganda lang tingnan,” saad naman ng isa na tila praktikal.

Pahayag naman ng isa, “Puwedeng-puwede… mahal din ‘yan at least nakakabusog. Kaysa naman flower hindi mo naman puwedeng gawing pang-ulam iyon no.”

Imahe mula sa Facebook account ng Valdez Flowershop/Public Domain Image

Bukod sa mga gulay na panahog sa pinakbet, talagang tumatanggap sila ng mga customized na bouquet gaya ng “hygiene bouquet” na naglalaman ng mga alcohols, hand sanitizers, at iba pang mga toiletries para makaiwas sa COVID-19, stuffed toy, money, at iba pang uri ng bouquet.

Sa Koronodal City naman, pinag-uusapan din ang paandar ng isang gift shop dahil sa kanilang customized bouquet tulad ng cash, Yakult, junk food, fried chicken, at iba pa.

Cash bouquet paandar ng gift shop sa Koronadal City para sa Valentine’s Day

Loading…