Pinas posibleng maging ‘coinless society’ na sa 2025 – BSP

Imahe mula sa Philstar
  • Posibleng maging ‘coinless society’ na ang Pilipinas sa 2025
  • Ito ang nakikitang senaryo ni BSP governor Benjamin Diokno
  • Maaari raw kasing gamitin ang QR code sa likod ng national ID para maisakatuparan ito

Bagama’t malayo pang maging ‘cashless society’ ang Pilipinas, posible naman umanong maging ‘coinless society’ ang bansa apat na taon simula ngayon.

Ganito ang nakikita ni Bangko Sentral ng Pilipinas BSP) governor Benjamin Diokno na magiging kalagayan ng Pinas sa 2025 lalo pa’t malapit na ring maipatupad sa buong bansa ang national ID system.

Imahe mula sa PNA

Magkakaroon daw kasi ng nakaimprentang quick response (QR) code sa likod ng ID at maaari na itong gamitin sa pamimili.

“Talking of cashless society, maybe not within my lifetime but I can assure you maybe a coinless society by 2025 for sure, because that will be replaced by the QR Code PH which we are pushing to get our national ID,” paliwanag ni Diokno sa panayam ng BusinessWorld Online.

Ang BSP ang nangangasiwa sa paglimbag ng national ID kaya lalagyan ito ng QR code para magamit sa maliliit na transaksyon, ayon sa gobernador ng BSP.

Bukod dito, hangad din ni Diokno na ang 50 porsiyento ng mga transaksiyon ay sa pamamagitan na ng digital platform bago matapos ang kaniyang termino sa 2023 habang 70 porsiyento naman ng mga Pinoy ay inaasahan niyang mayroon nang sariling bank account.

Imahe mula sa Home Credit

Malaki raw ang naging bahagi ng COVID-19 pandemic na siyang nagpabilis ng kanilang hakbang para maabot ang ganitong vision kaya mas mapapaaga ring makakamit ang kanilang objective.

“I’m very optimistic that the future will be digitalized, that there’ll be less contact in the way we live, in the way we play, in the way we operate, so yes, digitalization will be one of the major beneficiaries of this pandemic,” dagdag pa ni Diokno.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy na ang paglilimbag ng BSP ng national ID na may kapasidad na 154,000 cards kada araw.

Loading…