Pinoy researchers inuwi ang International Outstanding Award mula CASNIC 2020 sa Thailand

Image by Tin Dao-anis via Facebook
  • Research paper na gawa ng mga guro mula sa Schools Division of Benguet, nasungkit ang International Outstanding Award
  • Naganap ito sa nakaraang 8th CAS National and International Conference 2020 sa Thailand
  • Pinuri ng Pinoy netizens ang tagumpay na ito ng mga kababayan

Nanaig sa 8th CAS National and International Conference (CASNIC) 2020 sa bansang Thailand ang output ng grupo ng mga mananaliksik na binubuo ng mga guro mula sa Schools Division of Benguet.

Image by Tin Dao-anis via Facebook

Naiuwi ng research paper nina Rachel B. Basalong, Benilda M. Daytaca at Mark Aljon E. Valenciano ang International Outstanding Award dahil na rin sa kaugnayan nito sa tema ng komperensiya na “Higher Education’s Moves and Trends to Combat COVID-19.”

Natanggap din ni Basalong ang digital image ng kanilang plake mula sa CASNIC committee.

Ayon sa FB post ni Sir Tin Dao-anis, may pamagat ang research paper na “Alternative Teaching and Learning Delivery Modes in the Schools Division of Benguet, Philippines: A Descriptive Study.”

Napag-alaman sa pag-aaral ang mga aalalahanin ng mga stakeholders nang may pagsangguni sa mga alternative teaching at learning delivery modes sa panahon ng COVID-19 pandemic sa Schools Division of Benguet.

Naka-encapsulate ito sa apat na temang kilala rin bilang 4Cs. Ito ang Connectivity, Capability, Condition at Constitution.

Rekomendasyon ng pananaliksik ang pagko-konsidera sa kanilang research results bilang basehan sa paggawa ng division’s policy framing at Learning Continuity Plan Development ngayong panahon ng pandemya.

Image by Tin Dao-anis via Facebook / Northern Philippine Times

Ang tagumpay na ito ng mga Filipino researchers ay umani ng papuri mula netizens. Saad ng isa, “Wow nemen, ang galing galing naman. Congratulations kakabsat Rachel Basalong and Arjun Valenciano.”

May nagsabi ng, “Great job, congratulations to both of you, a deserving piece of excellence… so proud of you…”

Iba pang komento, “Congrats Ma’am Rachel and SDO Benguet. To God be the glory!”

Image via DepEd
Source :

Facebook

Loading…