Pinoy traveller posibleng sa Hong Kong nahawaan ng bagong COVID variant – Duque

Imahe mula sa The Star
  • Posibleng sa Hong Kong na umano nahawaan ng bagong COVID variant ang Pinay traveler
  • Ito ang hinala ni Health Secretary Duque base na rin sa timeline na lumabas sa ulat
  • Ganun pa man, nilinaw ng kalihim na kailangan pa itong i-validate

Posibleng sa Hong Kong na nakuha ng Pinay traveler ang bagong variant ng COVID-19; base na rin sa timeline simula nang umalis ito bansa hanggang sa sumailalim sa test doon.

Ganito ang naging hinala ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos lumabas ang ulat sa Hong Kong na isang Pinay galing sa Pilipinas ang nagpositibo sa bagong COVID variant kamakailan lamang.

Imahe mula sa PNA

“When she left, she tested negative and I think on January 2, 10 days after she arrived in Hong Kong, she tested positive,” paliwanag ni Duque sa panayam ng ABS-CBN News.

“So that’s 10 days between the time she left and the time she arrived in Hong Kong where she tested positive,” ayon pa sa kalihim.

Ganun pa man, kailangan pa umano ang kumpirmasyon tungkol dito at kasalukuyan na nila itong pinag-aaralan.

“You can readily just speculate it’s possible she might have contracted it there,” wika pa ni Duque.

Ang Pinay, na napaulat rin na isang OFW, ay nagmula sa Cagayan Valley at umalis doon noong Disyembre 17. Kinabukasan, Disyembre 18 ay dumating siya sa Maynila at sumailalim sa quarantine protocol bilang requirement sa kaniyang pinagtatrabahuan.

Noong Disyembre 19, ay sumailalim siya sa COVID-19 test at nagnegatibo ang resulta. Bumiyahe siya patungong Hong Kong Disyembre 22 at sumailalim sa quarantine protocol doon.

Imahe mula sa CNN Philippines

Ika-2 naman ng Enero nang muli siyang ipasailalaim sa RT-PCR testing sa HK at nagpositibo ang swab test kung saan nadetect ang bagong COVID variant.

Samantala, iginiit rin ng kalihim na wala pang naiuulat na kaso sa bansa ng mas nakahahawang COVID variant na unang lumabas sa UK noong Disyembre.

“Given the results of the genomic sequencing found by the Philippine Genome Center, wala pa. Ang nakita lang nila isa the usual dominant variant which is the D614G,” ayon sa opisyal.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad na ng Pilipinas ang travel ban sa mahigit 20 na bansa kung saan mayroon nang kaso ng nabanggit na COVID variant.

Loading…