Pista ng Itim na Nazareno maaaring maging superspreader ng COVID-19

Imahe mula sa Quiapo Church
  • Posible umanong maging superspreader ng COVID-19 ang Pista ng Itim na Nazareno
  • Sinabi ng isang grupo ng health professionals na isang infected na deboto lang ang makahawa sa mga makakasalamuha sa simbahan ay posibleng magresulta sa mataas na bilang ng bagong COVID-19 cases
  • Hinimok ni Mayor Isko Moreno ang mga deboto na huwag nang magtungo sa Quiapo

Nangangamba ang isang grupo ng mga health professionals na ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila na gaganapin ngayong Sabado, January 9, ay maging isang superspreader ng COVID-19 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto.

Imahe mula sa Quiapo Church

Sa kabila ng mga babala ng mga health professionals sa mga deboto na huwag nang magtungo sa Quiapo Church sa araw ng kapistahan, nag-aalala ang mga church officials na dadagsa pa rin ang mga ito para sa pinakamalaking religious event sa bansa.

Sinabi ni Msgr. Hernando Coronel, ang Quiapo Church rector and parish priest, inaasahan niya ang pagdagsa ng maraming devotees upang masilayan ang imahen ng Itim na Nazareno.

Hinikayat niya ang mga ito na magdasal na lamang sa kani-kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pinangangambahang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Health Professionals Alliance against COVID-19 (HPAAC), ang isang infected devotee lang na makahawa sa mga makakasalamuha nito sa simbahan sa araw ng pista ay magreresulta sa malaking bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 infections.

Imahe mula sa Quiapo Church

“This can be a superspreader event because it will end up being a mass gathering, which is dangerous, especially since we’re still expecting a surge in cases,” pahayag ni Dr. Anna Ong-Lim ng HPAAC.

Maging si Manila Mayor Isko Moreno ay nanawagan sa mga deboto na huwag nang magpunta sa Quiapo.

Imahe mula sa Manila PIO

“Hinihikayat natin hangga’t maaari, mga kababayan, na huwag na kayong dumako sa Quiapo. Manalangin tayo nang taimtim sa Panginoong Diyos,” sabi ng alkalde.

Marami pa naman umanong kaparaanan upang lalong mapalapit sa Panginoon at tumatag ang pananalig sa Kanya.

Loading…