Prenuptial photoshoot ng engaged couple sa putikan pinag-usapan

  • Napahanga ang mga netizens sa isang kakaibang prenuptial photoshoot
  • Makikita kasing puro putik ang engaged couple na parehong taga-Visayas
  • Ayon sa post ng bride-to-be, pareho silang nagmula sa pamilya ng mga magsasaka, na maaaring pinag-ugatan ng konseptong ito

Kung pinag-usapan kamakailan ang prenutial photoshoot ng engaged couple na ang tema ay “Adan at Eba,” hindi rin papakabog sa pagiging malikhain ang isang engaged couple sa Visayas kung saan ang naging lokasyon ng kanilang prenuptial photoshoot ay sa kabukiran. Anong bago? Lumublob lamang naman sila sa putikan!

Iyan ang nakatutuwang prenuptial photoshoot nina Johncee Roble Gutierrez at Imee Aldiano Borinaga kung saan makikita ang kanilang mga sweet photos habang sila ay nasa putikan. Para sa mga netizens, hindi lamang kakaiba ang naturang konsepto kundi may malalim ding pagpapakahulugang mensahe, na hanggang sa wakas ang kanilang pagmamahalan, lalo’t ang ating mga katawan ay sinasabing babalik sa lupa sa takdang panahon.

Imahe mula sa Facebook page ng Charlesci Visuals

“Farming has never been this sexy (Law of Attraction from me to me hahaha)! Johncee and I both came from family of farmers, so why not? #AgriCOOLture,” saad sa Facebook post ng soon-to-be bride. Ang mga kuhang larawan ay mula sa opisyal na photography provider nila na “Charlesci Visuals.”

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Congratulations to the both of you! Grabe, nag-uumapaw ang creativity!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “CONGRATS, IMS! Nakaka-shock hahahahaha parang kailan lang nagre-review pa tayo for LET tapos I’ll see this. Kaloka! So happy for you!”

“The concept is very unique! May natatagong mensahe, na hanggang dulo ay kayo. Congratulations to the both of you! Nakaka-good vibes makakita ng mga ganitong pictures, kasi it reminds us na masarap pa ring magmahal, kahit na napaka-uncertain ng mga nangyayari sa paligid,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Charlesci Visuals

Pahayag naman ng isa, “Gusto ko rin nito! Ang lakas ng creativity pero punumpuno ng meaning!”

Pagbati sa mga soon-to-be husband and wife!

Loading…