Presyo ng karneng baboy umabot na sa mahigit P400 kada kilo sa ilang pamilihan

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Presyo ng karneng baboy sa mga palengke sa Luzon, sumirit
  • Higit na mas mahal ang bentahan ng mga karneng baboy kaysa sa suggested retail price na itinakda ng Department of Agriculture
  • Sa ngayon, ang presyo ng kasim ay nasa P320 hanggang P380 kada kilo habang ang pork belly o liempo naman ay nasa nasa P340 hanggang P420 kada kilo

Sumirit ang presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Luzon, partikular na sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng supply sanhi ng pangambang idinulot ng African Swine Flu (ASF) sa mga local hog producers.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sa isang radio interview, sinabi ni Nicanor Briones, ang bise presidente sa Luzon ng Pork Producers Federation of the Philippines, Inc., na ang pork shortage na nararanasan sa Luzon ay sa dahilang maraming backyard at commercial hog raisers ang  nagbawas sa kanilang operasyon sa takot na mahawa ng ASF ang kanilang mga alagang baboy.

Sabi ni Briones, siguradong lugi ang hog raisers kapag naapektuhan ng ASF ang mga alagang baboy dahil wala pang lunas para rito.

Aniya, tinatayang 7.5 million ang hog population sa Luzon at 4.5 million sa mga ito ang nabawas dahil sa ASF.

Ayon kay Noel Reyes, spokesperson ng Department of Agriculture, isang bilyong piso ang pondo ng ahensya para maayudahan ang mga hog raisers na apektado ng ASF.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Batay sa price monitoring report ng DA noong Biyernes, ika-8 ng Enero, ang presyo ng kasim ay nasa P320 hanggang P380 kada kilo habang ang pork belly o liempo naman ay nasa nasa P340 hanggang P420 kada kilo. Ang mga naturang presyo ay kinuha mula sa iba-ibang palengke sa Metro Manila.

Higit na mataas ang bentahan ng karneng baboy kaysa sa suggested retail price na itinakda ng DA na P260 per kilo para sa kasim at P290 per kilo para sa liempo.

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

MSN, Philstar

Loading…