Presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine hindi mahal; nabili ng Pilipinas sa presyong pang-BFF – Harry Roque

Imahe mula sa PNA
  • Iginiit ni Harry Roque na hindi mahal ang presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine
  • Paninira lang daw ng mga oposisyon ang sinasabing pinakamahal na bakuna ang gawa ng Sinovac
  • Sinabi ni Roque na ibinigay ng Sinovac sa Pilipinas ang bakuna nito sa presyong pang-BFF

Pinasinungalingan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sinasabi ng mga kritiko na mahal ang presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine na mula sa China.

Imahe mula sa CGTN

Matatandaang isiniwalat ni Senator Sonny Angara na P3,629 ang presyo ng Sinovac vaccine para sa dalawang doses. Ikalawa umano ito sa pinakamahal na bakuna kasunod ng Moderna vaccine na nagkakahalaga umano ng P4,504 para sa dalawang doses.

Hindi niya sinabi kung magkano ang presyo ng Sinovac vaccine dahil umano sa non-disclosure agreement, pero iginiit ni Roque na hindi iyon ang pinakamahal sa anim na brands na planong bilhin ng gobyerno.

“I’m not at liberty but I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi po pinakamahal ang Sinovac. Alam n’yo kasi ang Tsina, hindi ‘yan kapitalista, komunista ‘yan. So their prices are not driven by market forces. Pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po siya out of six brands. It is in the mid-range. So, wala pong katuturan ang nginangawa ng mga kritiko na napakamahal ng Sinovac,” aniya.

Screenshot mula sa PTV video

Ang presyo raw na ibinigay ng Sinovac ay presyong pang-BFF (best friend forever).

“At I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac. Paninira lang po ng oposisyon ‘yan,” sabi pa ni Roque.

Naka-order na ang pamahalaan ng 25 million doses ng Sinovac vaccine at ang initial batch nito na 50,000 doses ay inaasahang darating sa bansa bago matapos ang Pebrero.

Imahe mula sa DW

Loading…