Presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine na P3,629.50 per two doses, sa Google lang kinuha ng DOH?

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video/Sinovac
  • Inamin ni DOH Sec. Duque na ang presyong P3,629.50 per two doses ay nakuha ng DOH sa pag-search sa Google
  • Sa Google search na ginawa ng DOH, lumbas umano ang article ng Reuters na nagsasabing $60 ang presyo ng Sinovac
  • Dinagdagan daw nila ito ng 12% VAT at inflation na 10% kaya narating ang presyong P3,629.50

Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Senado na ang presyong P3,629.50 per two doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ay nakuha lang ng ahensya sa pamamagitan ng Google search.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

“I was told, Mr. Chairman, ito iyong ginoogle nila at lumabas nga itong sa Reuters,” sagot ni Sec. Duque sa tanong ni Senator Ping Lacson kung saan nakuha ng DOH ang presyo ng Sinovac vaccine na inalmahan ng publiko matapos lumitaw na lubhang mas mura ang presyo niyon sa ibang bansa.

“Nakalagay po rito, ‘Sinovac coronavirus vaccine offered by Chinese city for emergency use costs $60’. Tapos nag-compute po for VAT so mga P300 plus and another iyon pong in-assume nila na inflation, medical inflation, of about another 10%. So lumabas pong P3,629.50,” pahayag ni Sec. Duque patungkol sa article mula sa Reuters.

“Galing po, for the record, from the published Google price ng Sinovac at $60 . . . Indicative lang po ito for budget planning purposes na iyan po ay ginamit,” sabi naman ng kalihim kay Senator Francis Pangilinan.

Sinabi ni Sec. Duque na ang Public Health Services Office and the Supply Chain Management Office ng DOH ang gumawa ng computation para sa presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

Napagsabihan ni Sen. Lacson ang DOH dahil sa ginawang pamamaraan para makuha ang presyo ng Sinovac vaccine.

Aniya, dapat accurate at validated ang data bago iprinisinta sa Senado.

 

Source :

ABS-CBN

Loading…