PS5 unboxing video ni Matteo Guidicelli, muling pinag-usapan

Imahe mula sa video ni Matteo Guidicelli via YouTube
  • Naglabas ulit ng unboxing video ang aktor na si Matteo Guidicelli
  • Sa pagkakataong ito ay PS5 naman ang kaniyang binuksan
  • Kagaya ng naunang video ay hindi naging ‘gentle’ ang aktor sa pagbubukas ng kahon, dahilan upang mag-react ang ilang gamers

Muling pinag-usapan ang ginawang unboxing ng aktor na si Matteo Guidicelli sa bagong labas na PlayStation 5 (PS5).

Imahe mula sa video ni Matteo Guidicelli via YouTube

Pangatlo na ngayon sa trending videos sa YouTube ang ginawang unboxing ng aktor at may 600k views na. Mas marami naman ang nag-disklike nito (18k) kaysa like. (11k). “I am sure you guys are expecting this moment to come,” panimula niya. “I got this recently… Everybody knows what it is, the box says it all. Hope you guys enjoy.”

Kagaya ng ginawa niya sa unang unboxing video ng PS4 ay sinira niya rin ang kahon ng PS5 at inilapit pa rito ang mikropono upang marinig ng viewers ang tunog ng pagpupunit nito.

[Related: How to annoy gamers 101?: Video ng unboxing ng PS4 Pro ni Matteo Guidicelli umani ng libo-libong dislikes]

Isa-isa niya ring inilabas ang mga laman ng kahon. “I just want to show you guys that I am organized when I do this,” sabi niya. “The things that I am going to use, I am putting on the left. The things that I am not going to use, I put on the right.”

Maya-maya pa ay inilabas niya na rin ang console. Hindi kagaya ng ibang gamers na naging “gentle” sa paghawak nito, tila kabaliktaran naman ang ginawa ni Matteo. Ngunit depensa niya, shock absorbent ang mesa na kaniyang ginagamit.

Imahe mula sa video ni Matteo Guidicelli via YouTube

“Sa mga nagko-complain diyan, this table is shock absorbent so the PS5 does not feel any shock.”

Gayunpaman ay marami pa rin ang hindi natuwa sa unboxing ni Matteo.

“I was cringing watching this video. The way he threw the controller and bounce the console on the table,” komento ni Seb P.

May ilan naman na dumepensa kay Matteo at sinabing na-entertain sila sa ginawa ng aktor. “I’m not mad at all. Literally laughing the whole time I’m watching it. I’ll watch your next unboxing videos,” ani Northener.

Panoorin dito ang unboxing ni Matteo:

Source :

YouTube

Loading…