PSG binawalan ng Pangulo na magbigay ng impormasyon sa Kongreso tungkol sa unauthorized vaccine

Imahe mula sa PCOO
  • Inatasan ni Pang. Duterte ang PSG na huwag magbigay sa Kongreso ng impormasyon tungkol sa unauthorized COVID-19 vaccine
  • Sinabi ng Pangulo na ginawa ng PSG ang pagbabakuna sa kanilang sarili upang proteksyunan ang sariling kaligtasan
  • Self-preservation daw ang ginawa ng PSG, ayon kay Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group (PSG) na huwag maghayag ng anumang impormasyon tungkol sa hindi pa aprubadong COVID-19 vaccine na kanilang itinurok sa sarili noon pang buwan ng Setyembre kung sakaling ipatawag sila ng Kongreso.

Imahe mula sa Maharlika TV

Ipinagtanggol ng Pangulo ang kanyang presidential guards at tinawag ang ginawa ng mga ito bilang “self-preservation.”

“To me it’s a matter of self-preservation. Whatever be your objection, whatever be your criticism, para sa akin, it is a matter of preservation,” wika ng Pangulo sa kanyang weekly briefing sa Malacañang.

Sinabihan ni Pang. Duterte ang mga mambabatas na huwag piliting magsalita tungkol sa bakuna ang PSG troops.

“And I would like to call on Congress, na hindi naman ako nakikiusap, ang akin lang diretso na salita – do not tinker with the PSG. I’m telling you as President, it’s a matter of self-preservation. So, hanggang diyan na lang ako, I will not elaborate on it, but do not force my hand to meddle into this affair because maybe I am not so keen about allowing Durante and the rest of the PSG to testify,” anang Pangulo.

Screenshot mula sa RTVM video

At kung sakali man daw na ipatawag ng Kongreso ang PSG, sinabihan ng Pangulo ang mga ito na huwag magsalita at gamitin ang kanilang right against self-incrimination.

“Ginawa ito nila, as I understand, para sa kapakanan ng buhay nila. So, if they will be called, they’ll be called to testify in Congress, as a lawyer, I will just tell them, because they are now being accused and with the accompanying statement of prosecution and things like that, if that is the case, then I will ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination. Wala kayong makukuha,” aniya.

“Do not force my soldiers to testify against their will. ‘Wag ninyong i-contemp contempt, i-detain ninyo. I don’t think it will be good for you and for me. I don’t think it will be healthy for everybody. They have every right to live and to invoke self-preservation,” giit pa ng Presidente.

Imahe mula sa PSG-Facebook

Ang mga pahayag ng Pangulo ay kaugnay ng sinabi ni Senator Franklin Drilon na imbitahan sa senado ang PSG troops kaugnay sa ginawa nilang self-inoculation.

Source :

ABS-CBN, CNN PH

Loading…