Punitin na! Cedula nais nang ipa-abolish ni Rep. Salceda

Imahe mula sa Change.org
  • Nais ipabasura ni Salceda ang paggamit ng cedula bilang proof of identity at residency
  • Makaluma na raw ito at mapapalitan na rin ng national ID system
  • Layon din ng batas ni Salceda na simplehan na lamang ang pagparehistro ng negosyo

Naghain ng panukala si Albay Rep. Joey Salceda na may layong simplehan na lamang ang proseso sa paglalakad ng mga papeles sa gobyerno at kabilang dito ang pagbasura sa mga requirements na maituturing na ‘redundant’.

Sa ilalim ng House Bill No. 8455 o ang “Clean and Efficient Government Act of 2020” ni Salceda, tatanggalin na ang pagbabayad ng cedula (community tax certificate) at babawasan ang haba ng pagproseso sa business registration.

Image by Joey Salceda via Facebook

Bukod dito, gagawin ding mas accessible sa mga mamamayan ang mga social services tulad ng PhilHealth, SSS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programa ng pamahalaan.

Dahil dito, tuluyan nang mawawala ang cedula bilang proof of residency ng isang tao at gayundin bilang requirement sa pagpaparehistro ng mga negosyo.

“The cedula has become obsolete for almost all intents and purposes. It’s time we phase it out, as it adds nearly an entire day to most government transactions that require it,” ani Salceda sa isang pahayag.

Dahil malapit na ring ipatupad ang national ID system, tuluyan na ring mawawalan ng saysay ang cedula bilang proof of identity at residency, ayon pa kay Salceda.

Imahe mula sa Dynamic Funds

““It’s time we phase it out…The cedula was established when the use of government identification cards was not yet widespread. That is no longer the case. As a government requirement, punitin na natin ang cedula,” dagdag pa ng mambabatas.

Kabilang din sa isinusulong ng panukala ang pagkakaroon ng iisang business registration agency.

Ayon daw kasi sa pag-aaral na isinagawa ng kaniyang tanggapan, dumadaan sa halos 10 ahensiya ng pamahalaan ang sinumang nais magparehistro ng kaniyang negosyo na kalabisan na.

“The registration agency will take care of processing it with other agencies. But once your requirements are complete with the registration agency, tapos ka na. You are as good as registered,” paliwanag pa ng kongresista.

Loading…