Rescued dog ipinagdiwang ang 1st anniversary ng ‘ikalawang buhay’

Imahe mula sa Facebook | Ceejay Reyes Montaño
  • Ipinagdiwang ng isang volunteer ang pangalawang buhay ng isang aso na nailigtas nila noong 2020
  • Hindi man nakaligtas ang mga kapatid at ina ng aso ay nakahanap siya ng bagong pamilya sa piling ng mga volunteer
  • Naging inspirasyon din daw siya upang mas pagbutihin nila ang kanilang tungkulin

Ginunita ng isang volunteer ang anibersaryo ng “second life” ng isang aso na nailigtas nila noong Enero 2020.

Kuwento ni Ceejay Reyes Montano sa isang Facebook post, natagpuan niya ang asong pinangalanang Sambag, ang lugar kung saan nangyari ang sun0g sa Iloilo City, kasama ang kaniyang mga kapatid at ina na wala nang buhay.

Imahe mula sa Facebook | Ceejay Reyes Montaño

“You sustained burns and wounds which were treated by Iloilo Citizens Action Group (ICAG) medics and you have recovered. And eventually, all wounds will heal, including the wound in your heart because you lost those dearest to you,” ani Ceejay.

Kahit daw hindi na kapiling ni Sambag ang kaniyang pamilya ay nagkaroon ng ito ng bagong pamilya sa kanilang mga volunteer.

“Since the day I pulled you out from under the burning house…you have never failed to make me and others happy,” sabi pa niya.

Imahe mula sa Facebook | Ceejay Reyes Montaño

Nagbigay inspirasyon din daw sa kanila si Sambag upang mas magpursigi pa sa kanilang tungkulin. “Seeing you grow healthy and happy makes me more inspired and determined to continue to serve humans and animals alike when conflagration arises,” aniya.

Samantala, nagpasalamat naman ang Animal Kingdom Foundation kina Ceejay at Ric Mendote, na siyang kumukupkop ngayon sa aso.

“Today, we celebrate Sambag’s rescue day and we also celebrate the heroism of Ceejay, Ric, and their co-volunteers at ICAG. Thank you for your compassion. Your story is truly inspiring. Our hats off to all of you,” sabi nila sa isang Facebook post.

Saludo sa mga volunteer!

Loading…