Residente ng QC ipinagbawal muna sa Arayat; Mayor Joy Belmonte umalma

Imahe mula sa Wikimaps/ Facebook
  • Naglabas ng travel ban ang bayan ng Arayat para sa mga residente ng QC
  • Ito ay upang maiwasan umanong makapasok sa kanila ang bagong variant ng COVID
  • Pinalagan naman ito ni Mayor Joy Belmonte at sinabing tila diskriminasyon ito

Naglabas ng travel restriction ang bayan ng Arayat, Pampanga para sa mga residente ng Quezon City kung saan naninirahan ang unang pasyente sa bansa na nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19.

Paliwanag ni Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino, ito ay upang maiwasang kumalat sa kanilang bayan ang mas nakahahawang variant ng COVID.

Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino| Imahe mula sa Facebook

Nilinaw rin ng alkalde na puwedeng dumaan at pumasok ang mga taga-QC sa Arayat, subalit kailangang manatili lang sila sa loob ng kanilang sasakyan.

Wala rin daw silang layon na i-discriminate ang mga biyahero mula Maynila; bagkus ay nag-iingat lang upang hindi makarating sa kanilang bayan ang UK variant ng COVID.

Para naman sa mga residente ng Arayat na nagtatrabaho sa QC, hihingan na sila ng medical certificate at negative test results bago makapasok sa bayan.

Mistulang diskriminasyon – Belmonte

Inalmahan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang patakarang ito ng Arayat.

“We strongly denounce the Arayat local government’s decision to restrict the entry of Quezon City residents to their municipality because this decision is totally without basis, can cause undue panic,  and is tantamount to discrimination,” ani Belmonte sa isang pahayag.

QC Mayor Joy Belmonte} Imahe mula sa Facebook

Magugunitang residente ng Brgy. Kamuning ang lalaki na unang nagpositibo sa bagong COVID variant at ngayon ay nasa isolation facility na at nagpapagaling.

“For the enlightenment of the Arayat local government unit who obviously did not refer to official news reports and health experts, we would like to emphasize the following points again: The traveler who tested positive for the UK variant of COVID-19 DID NOT SET FOOT in Quezon City at any time upon his return to the country from Dubai last Jan. 7,” dagdag pa ng alkalde.

Iginiit din ni Belmonte na nasa 143 katao na nakasalamuha ng ‘patient zero’ ang naka-quarantine ngayon at mahigpit na mino-monitor ang kalagayan. Kabilang na rito ang mahigit 30 health care workers ng lungsod na tumulong at nag-alaga sa lalaki.

Dahil dito, umapela si Belmonte sa Arayat Pampanga LGU na i-reconsider ang nabanggit na travel ban at payagan nang makapasok sa kanilang bayan ang mga residente ng Quezon City.

Loading…