Richard Yap sa paglipat sa GMA: ‘I will choose a more stable network’

Imahe mula sa Instagram | Richard Yap
  • Matapat na sinagot ni Richard Yap ang tanong kung bakit siya lumipat sa GMA matapos ang siyam na taon niya sa ABS-CBN
  • Ani Richard, stable na ang GMA kaya naging praktikal lamang siya
  • Excited na raw siya sa mga bagong proyekto at bagong mga katrabaho

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang aktor na si Richard Yap sa pagsagot kung bakit pinili niyang lumipat sa GMA Network.

Imahe mula sa Instagram | Richard Yap

Pahayag ni Richard, “easiest choice” ang pagpirma ng kontrata sa Kapuso Network kahit may iba pang offers sa kaniya dahil stable at established na ito.

“GMA has been there for a long time and they have been doing a lot of shows for a long time. Of course, I will choose a more stable network. I think that is the main reason for us to choose GMA over other networks,” sabi niya pa, ayon sa entertainment website na PEP.

Ang ibang networks daw na nag-alok sa kaniya ay nagsisimula pa lamang o block timer pa lang. “So I think on the practical side, ‘yon talaga ang inisip namin. We’d rather go to the one that is established na.”

Imahe mula sa Instagram | Richard Yap

Matatandaang nawala sa ere ang ABS-CBN, ang network na pinanggalingan ni Richard, Mayo noong isang taon, matapos na maglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order.

Ngayon ay handa na si Richard na i-explore ang mga bagong proyektong inihanda para sa kaniya ng GMA.

“I’m excited to do a lot of things with Kapuso Network because they have been opening a lot of interesting avenues for me to do. We want to explore other genres that I can come out with. I’m looking forward to doing new shows and doing them also with a lot of new people that I haven’t had the chance to work with,” sabi pa niya sa PEP.

Nakilala si Richard sa teleseryeng Be Careful With My Heart kung saan naging katambal niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria. Siyam na taon siyang nanatili sa Kapamilya Network bago lumipat sa GMA.

Source :

PEP

Loading…