Riders nakatanggap ng helmet at P10k mula kay Ivana Alawi

Imahe mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube
  • Sinurpresa ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang mga rider na nag-deliver sa kaniya ng pagkain
  • Aniya, nais niyang magpasalamat sa mga rider na ngayon ay madalas na nabibiktima ng fake booking
  • Binigyan niya ang mga ito ng full-face helmet at P10k cash

Walang humpay na pasasalamat ang isinukli ng mga rider matapos silang makatanggap ng full-face helmet at P10k cash mula sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

Imahe mula sa Instagram | Ivana Alawi

Kuwento ni Ivana, may napanood siyang video ng isang rider na nabiktima ng fake booking kaya naman naisipan niya na maghanda ng surpresa para sa mga masisipag na rider.

“‘Yong reason talaga kung bakit ko ito ginagawa, marami akong nakikita na mga scammer na akala nila nakakatawa na napagtripan nila ang mga driver na nagpapakihirap magtrabaho,” sabi ni Ivana. “‘Wag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho nang marangal.”

Dagdag pa ng aktres, nagsisilbing mga bayani ang rider na tinataya ang kanilang kaligtasan at kalusugan ngayong panahon ng pandemya kahit pa marami sa kanila ay nabibiktima ng fake booking.

Imahe mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Si Ivana mismo ang pumili at bumili ng full-face helmets na magagamit ng mga rider upang maprotektahan ang kanilang sarili. Kapag nasagot nila ang tanong ni Ivana ay makatatanggap din sila ng P10k cash.

Isa-isang nagdatingan ang mga rider na hindi makapaniwala sa biyayang kanilang natanggap. Ang ilan, hindi rin napigilan ang luha lalo na at marami sa kanila ay 12 oras na nagtatrabaho. Dahil nakatanggap ng cash ay uuwi na raw sila upang magpahinga.

“Nakaka-touch ‘yong simpleng thank you. My heart is so full talaga pag nakapagpapasaya ako ng mga tao,” sabi ni Ivana.

“Na-feel ko ‘yong happiness nila and that’s what’s important — to make our kababayans smile. Itong pandemic na ito, napakahirap. Gusto kong tumulong in my own small way and I want to make people happy.”

Panoorin dito ang kaniyang vlog:

Source :

YouTube

Loading…