RITM: Maaga pa para ideklarang may community transmission sa UK COVID variant

Imahe mula sa PNA
  • Maaga pa umano para ideklarang mayroon nang community transmission ng UK variant sa bansa
  • Ayon sa RITM, wala pang sapat na ebidensiya para mapatunayan ito
  • Ito ay matapos sabihin ng DOH na may na-detect na 16 na bagong kaso ng variant ngayon 

Wala pang sapat na katibayan para ideklarang mayroon nang community transmission sa UK variant ng COVID matapos mapaulat na mayroong 16 na bagong kaso ng virus na tinatawag ngayong B117.

Sa ginanap na online press briefing nitong Sabado, sinabi ni Research Institute for Tropical Medicine (RITM) director Dr. Celia Carlos na mayroong inilatag na panuntunan para dito ang mga eksperto, partikular na ang World Health Organization (WHO).

RITM| Imahe mula sa CEDRES

“First, large number of cases which are not linkable through transmission chains, number two, large number of cases from sentinel sides if there is an existing surveillance. And number three, multiple unrelated clusters in several areas of the country,” paliwanag ni Dr. Carlos.

Nitong Biyernes, ibinahagi ng Department of Health (DOH) na may na-detect na 16 na kaso ng B117 at 12 rito ay nagmula sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang din dito ang dalawang OFWs na umuwi mula sa Lebanon, isa sa La Trinidad, Benguet at isa mula sa Calamba, Laguna.

Sa ngayon ay inaalam pa kung saan nakuha ng mga pasyente ang bagong COVID variant.

“So considering that investigation is ongoing, it may be premature for us now to determine whether there is ongoing community transmission. We need to wait for the results of the investigation,” ayon pa sa RITM director.

Bontoc, Mt. Province kung saan na-detect ang 12 kaso ng UK variant| Imahe mula sa Wikipedia

Sang-ayon naman dito si Dr. Edsel Salvana ng DOH-Technical Advisory Group na nagsabing wala pang katibayan ng community transmission. Gayun pa man, hindi naman umano nangangahulugan na hindi ito kasalukuyang nangyayari kaya patuloy silang naghahanap ng ebidensiya.

“Right now, there’s no evidence of that, dahil meron po tayong isang cluster lang na alam po nating magkaka-related sila. And then we have to find where that person, siguro kung ano yung common source nun,” ani Dr. Salvana.

Ang kauna-unahang na-detect na may kaso ng UK variant ay isang residente ng Quezon City na bumiyahe patungong Dubai noong huling linggo ng Disyembre at kasalukuyan nang nagpapagaling ngayon sa isang isolation facility.

Naniniwala naman si Dr. Salvana na maaaring mas nauna pang ma-detect ng local health authorities sa Pinas ang bagong variant kesa sa United Kingdom subalit hindi pa lang nila ito na-identify noon at hindi pa rin naisasapubliko na ito nga ang magiging problema.

Loading…