Road project na magkokonekta sa Skyway 3 at NLEX Connector Road sinimulan na ng SMC

Imahe mula kay Ramon S. Ang
  • Kahit may right of way issues, sinimulan na ng SMC ang road project na magkokonekta sa Skyway 3 at NLEX Connector Road
  • Habang nireresolba ang isyu sa right of way, pagtutunan ng SMC ang mga lugar na walang sagabal para masimulan ang konstruksyon at hindi maaksya ang oras
  • Target ng SMC na matapos ang proyekto sa loob ng 24 months o mas maaga kung mareresolba agad ang right of way issues

Sa kabila ng masalimuot na isyu sa right of way, sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang konstruksyon ng 1.2 kilometrong kalsada na magdurugtong sa katatapos pa lang na Skyway Stage 3 at sa North Luzon Expressway (NLEX) Connector Road na kasalukuyang ginagawa ng Metro Pacific Tollways Corporation ni Manny V. Pangilinan.

Imahe mula kay Ramon S. Ang

Sa isang Facebook post, sinabi ni Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer ng SMC, na kahit may problema sa right of way ay sinimulan na nila ang konstruksyon. Ang pinagtutuunan ng kumpanya ay ang mga lugar na walang sagabal upang hindi masayang ang oras.

“We have started work on a 1.2-km road that will link Skyway 3 to the NLEX connector road project amid existing right-of-way challenges. Similar to our approach with Skyway 3, we’re focusing on unobstructed areas where we can make immediate progress so we don’t waste precious time while we address complex ROW issues,” saad ni Ramon S. Ang.

Aniya, mahalaga ang naturang proyekto upang maging tunay na maging tuluy-tuloy ang daloy ng urban travel sa pamamagitan ng mga interconnected toll roads. Mayroon nang pondong inilaan ang SMC para sa right of way acquisition.

Screenshot ng Facebook post ni Ramon S. Ang

“This connection is important to achieving a truly seamless urban travel via a network of interconnected toll roads. We have already set aside the budget for the ROW acquisition. We will pay for it and complete this section soon to help further ease traffic in Metro Manila,” ayon pa kay Ang.

Target ng SMC na matapos ang proyekto sa loob ng 24 months o mas maaga kung sakaling agad maresolba ang mga right of way issues.

Source :

Inquirer, Esquire

Loading…