Robot para sa mas mabilis na COVID-19 testing ginawa sa Japan

Screenshot mula sa Reuters video
  • Gumawa ng automated PCR testing system ang isang kumpanya sa Japan gamit ang robotic arms
  • Kayang magproseso ng bawat robot ng 2,000 samples sa loob ng labing-anim na oras sa isang araw
  • Naniniwala si Health Minister Tamura na gaganda ang overall accuracy ng PCR testing gamit ang naturang robotic system

Habang patuloy na nananalasa ang COVID-19 pandemic, isang kumpanya sa Japan – ang Medicaroid Corporation – ang gumawa ng automated polymerase chain reaction (PCR) testing system.

Screenshot mula sa Reuters video

Ang Medicaroid ay isang joint venture company na itinatag ng Sysmex Corporation na gumagawa ng mga clinical testing equipment at reagents, at ng Kawasaki Heavy Industries, Ltd., isang leader sa industrial robot technology.

Mahirap humanap ng sapat na mga health workers para magsagawa ng mga kumplikadong procedures sa PCR testing at kailangan din silang mabigyan ng proteksyon mula sa impeksyon ng COVID-19.

Dahil sa pinagsanib na kaalaman ng dalawang kumpanya ay nakabuo sila ng isang innovative system na gumagamit ng robot para magsagawa ng mas mabilis na PCR testing habang nailalayo sa panganib ng COVID-19 ang mga health workers.

Noong Martes, ika-19 ng Enero, sinaksihan ni Japanese Health Minister Norihisa Tamura ang demonstrasyon ng prototype ng automated PCR testing machines na gumagamit ng robotic arm para kumuha ng samples mula sa ilong ng isang tao. Kaya nitong maglabas ng resulta sa loob lang nga 80 minuto.

Screenshot mula sa Reuters video

Ang robotic system ay kasya sa isang 40-footer van na puwedeng hilahin ng truck saan mang lugar na may malaking pagtitipon ng mga tao, katulad ng paparating na Tokyo Olympic. Kayang magproseso ng bawat robot ng 2,000 samples sa loob ng labing-anim na oras sa isang araw.

Layon ng Medicaroid na ilunsad ang robotic system ngayong 2021.

Screenshot mula sa Reuters video

Naniniwala si Health Minister Tamura na gaganda ang overall accuracy ng PCR testing gamit ang robotic system ng Medicaroid, pero hindi siya nagbigay ng pangako na gagamitin ng Japan ang mga robot.

Source :

ABS-CBN, Go japan

Loading…