Rock band na ‘The Flaming Lips’ nagsagawa ng ‘concert in bubbles’ sa Japan

  • Nagsagawa ng concert ang The Flaming Lips sa kabila ng pandemya
  • Nasa loob sila at ang mga manonood sa malalaking plastic bubbles
  • Sinusuri at pinag-aaralan pa ng mga eksperto kung tama ba ang kanilang ginawa

Pinag-uusapan ngayon ang naging paraan ng isang rock band upang makapagsagawa ng live performance concert sa harap ng mga manonood sa Oklahoma City sa bansang Japan nitong Biyernes at Sabado, Enero 29-30, 2021 sa kabila ng pandemya.

Makikita ang “concert in bubbles” na ginawa ng rock band na “The Flaming Lips” kung saan nasa loob ng malaking plastic bubbles ang mga artists, musicians, audience, at lahat ng mga may kinalaman sa concert, na sumusunod pa rin sa precautionary measures gaya ng social distancing.

Imahe mula sa Facebook page ng La Vanguardia

“The Flaming Lips group has offered a concert for hundreds of people with fully guaranteed social distancing measures. Both the public, singer and musicians were encapsulated inside individual or couples inflatable bubbles to prevent the spread of COVID-19. The veteran rock band has been able to adapt so they can perform in the middle of the pandemic but without endangering the public or themselves,” saad sa caption ng La Vanguardia.

Ayon sa band leader na si Wayne Coyne, ang ganitong pamamaraan na ginawa nila sa concert ay mas ligtas pa raw kaysa sa pagtungo sa mga pamilihan, bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang mga doktor at espesyalista sa medisina kung talaga bang mabisa ito o hindi.

“I’d need to see how the air exchange was occurring between the outside and the inside of the bubbles to be able to say if it were safe over all or reduced risk of transmission,” pahayag ng doktor na si Dr. Eric Cioe-Peña, direktor ng global health ng Northwell Health sa New Hyde Park, New York City, USA.

Makikitang maaaring magkaroon ng isa o mahigit pang tao sa loob ng plastic bubble, na dahil sa laki nito ay maaaring sumukat din naman sa social distancing. Subalit ang tanong, paano kung aalis na ang mga tao sa loob ng plastic bubbles? At paano ang magiging disposal ng mga ito?

Imahe mula sa Facebook page ng La Vanguardia

Sa Pilipinas, ipinagbabawal pa rin ang pagsasagawa ng mga concerts at live performance sa mga pampublikong lugar na magdudulot ng pagtitipon-tipon ng mga tao.

Ang The Flaming Lips, na isang psych-rock band , ay sumikat noong 1980s, na nakilala sa kanilang mga exuberant live shows at recording experiments.

Loading…