Roque nagpasalamat sa mga Pinoy matapos hiranging ‘most approved member of the Cabinet’ sa Pulse Asia survey

Image by Harry Roque via Facebook
  • Hinirang na ‘most approved’ Cabinet member si Presidential Spokesperson Harry Roque
  • Malaki ang pasasalamat ni Roque sa mga Pilipinong nagtiwala sa kaniyang trabaho
  • Isa rin sa hinirang ng Pulse Asia survey ay si Health Secretary Francisco Duque

Nagpapasalamat si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos hirangin bilang ‘most approved’ na miyembro ng Gabinete sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Bagama’t hindi pa pormal na inilalabas ng Pulse Asia ang naturang survey, nauna nang nagpasalamat si Roque sa mga Pilipino sa kaniyang ginanap na online press briefing noong nakaraang araw.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

“I am humbled and at the same time, thankful dahil ang mga Pilipino, hindi po naniniwala sa mga naninira sa administrasyon ng ating Presidente,” ayon sa tagapagsalita ng Palasyo.

“Personal ko pong pinasasalamatan ang lahat po nating mga kababayan sa inyong tiwala at suporta na inyong binigay sa akin,” dagdag na pahayag nito.

Nangako rin ang kalihim na patuloy siyang magbibibgay ng ‘tama, napapanahon, at maaasahang impormasyon tungkol sa Pangulo at sa kaniyang adminsitrasyon’.

Para naman sa kaniyang mga kritiko, tiniyak ni Roque na mananatili siyang prangka, walang palamuti at walang paligoy-ligoy sa pananalita kahit marami ang bumabatikos sa kaniya.

Health Secretary Duque, isa rin sa ‘most approved’

Maliban kay Roque, isa rin umano sa nahirang bilang ‘most approved member of the Cabinet’ ay si Health Secretary Francisco Duque, base sa ulat na lumabas sa PTV News noong Enero 13.

Malaki rin ang pasalamat ni Duque sa mga nagtiwalang Pilipino at sa kaniyang mga kasamahan sa Department of Health (DOH).

Imahe mula sa PIA

“I sincerely thank my DOH family for their dedication and commitment. Without their untiring and selfless diligence, we would not have earned the people’s trust,” ayon sa pahayag ni Duque.

Tiniyak din ng kalihim na pag-iibayuhin pa niya ang kaniyang pagseserbisyo sa publiko.

“We would like to assure the public that we value the confidence they have given the Department,” wika pa ng kalihim.

Ang nabanggit na survey ng Pulse Asia, na hindi pa nailalabas hanggang ngayon, ay ginanap noong November 23 hanggang December 2, 2020.

Loading…