Roque pinaringgan ang mga naglitawang ‘lima singko’ na eksperto sa bakuna

Imahe mula sa lnkl
  • Pinasaringan ni Roque ang mga ‘lima singkong’ eksperto sa bakuna
  • Inihalintulad niya ang pagpili ng bakuna sa kaniyang karanasan bilang abogado
  • Nauna rito ay tinabla ni Roque ang naging batikos ni Vice Ganda

Dahil sa natatanggap na batikos ng gobyerno hinggil sa binibiling bakuna kontra COVID-19, hindi natiis ni Presidential Spokesperson na paringgan ang mga nagsulputang ‘eksperto’ sa bakuna na tinawag niyang ‘lima singko’.

Sa ginanap na online briefing ng Palasyo nitong Lunes, inihalintulad ni Roque ang pagpili ng bakuna sa kaniyang naging karanasan sa korte at pagtuturo bilang isang abogado.

“Explain ko lang po, dahil ako naman po ay nag-practice ng law ng 30 years at nagturo din ng 15 years. Kapag sa korte po mayroon tayong puprubehan tungkol sa for instance cause of death, kinakailangan ng expert witness, totoo po iyan kinakailangan doktor,” bahagi ng tagapagsalita ng Palasyo.

Imahe mula sa Panay News

“Pero hindi lang po ordinaryong doctor. Ang unang i-establish ninyo po bilang isang abogado, kinakailangan i-qualify mo iyung testigo mo as an expert witness at kung cause of death kinakailangang ipakita mo hindi lang siya doktor kung hindi mayroon din siyang specialized training para maging pathologist, kasi sila iyong nag-aaral noong cause of death,” patuloy ni Roque.

At hindi lang umano ito dahil para ma-qualify bilang expert witness, kailangan ay malawak na ang naging karanasan bilang pathologist at dapat ay maraming beses na ring tumestigo sa hukuman.

Dapat ay ganito raw ang ginagawa sa pagdiskurso pagdating sa bakuna.

“Tingnan, hindi lang dapat doctor, mayroon ba silang specialized training as vaccinologist or as infectious specialist sa specialty at bukod diyan, gaano katagal silang nagpa-practice, nagtuturo ba sila, mayroon na sinulat na mga artikulo bago po natin sila paniwalaan bilang experts,” wika ni Roque.

“Sinasabi ko po ito ngayon, dahil  ngayon po lima singko sa mga experts pagdating po sa bakuna,” pasaring nito sa mga nagsulputang ‘eksperto’.

Imahe mula sa Hataw

Bago pa man ito ay sinagot rin ni Roque ang naging pahayag ni Vice Ganda tungkol sa pagiging ‘pihikan’ ng mga tao sa bakuna.

BASAHIN: Roque sinagot ang pasaring ni Vice Ganda tungkol sa pagiging ‘choosy’ sa bakuna

Aniya, mali na ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba dahil wala naman talagang gaanong mapagpiliang COVID vaccine ngayon sapagkat kakaunti pa lang ang supply na available (kumpara sa sabon).

Giit pa ni Roque, kung hindi natin pagtitiwalaan ang mga eksperto, sino ang ating pagtitiwalaan? Malabo naman siguro na sa mga komedyante tayo makikinig, dagdag pa nito.

Loading…