Roque sinagot ang pasaring ni Vice Ganda tungkol sa pagiging ‘choosy’ sa bakuna

Imahe mula sa Panay News/Daily Tribune
  • Binuweltahan ni Roque ang pasaring ni Vice Ganda tungkol sa pagiging pihikan sa bakuna
  • Mali raw na ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba
  • Dapat daw na pagtiwalaan ang mga eksperto at hindi ang mga komedyante

Sinagot ng Palasyo ang pasaring ng comedian-host na si Vice Ganda hinggil sa pagiging ‘choosy’ o pihikan ng mga tao sa bakuna.

Nitong Lunes sa kaniyang virtual press briefing, muling iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa limitadong suppy ng COVID vaccine, hindi na tayo maaaring makapamili pa sa isa o dalawang brand na available.

Imahe mula sa PNA

“Alam n’yo po, mali namang ikukumpara ang bakuna sa sabon na panlaba. Ang katunayan po, wala naman pong suplay na ganoon karami,” wika ni Roque na tila may pahaging sa naging pahayag ni Vice Ganda.

Magugunitang nag-tweet si Vice bilang reaksiyon sa sinabi ni Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa bakuna dahil napakaraming mamamayan ang nangangailangang maturukan.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo eh sa bakuna pa kaya. Ano ‘to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!” ayon sa tweet ng komedyante.

Screenshot mula sa Twitter

Giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo, nag-aagawan sa maliit na supply ang maraming bansa at ang mga ito ay dumaraan sa pagsusuri ng mga eksperto bago gamitin.

“Nag-aagawan nga po tayo sa 18% na available na suplay. Pangalawa, hindi naman po ito gagamitin para sa damit. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung hindi tatlong grupo pa ng eksperto ang magsusuri kung ang mga bakuna ay ligtas at epektibo,” dagdag na paliwanag ni Roque.

Imahe mula sa Hataw

“Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga expert… sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po hindi mga komedyante,” patuloy na banat ni Roque kay Vice.

Filipinos on priority list cannot choose vaccine brand, Roque says

Sa kaniyang naunang pahayag, sinabi rin ni Roque na walang pilian na dapat mangyayari dahil hindi makokontrol ang supply ng bakuna bukod pa sa libre naman ito.

Loading…