Sa ngalan ng transparency, dapat isiwalat ng gobyerno ang presyo ng COVID-19 vaccines na binibili

  • Aalamin ng mga senador mula sa mga opisyal ang presyo ng mga COVID-19 vaccines na binili o bibilhin ng Pilipinas
  • Sinabi ni Sen. Migz Zubiri na hindi dapat ikinakatwiran ng gobyerno ang non-disclosure agreement nito sa mga pharmaceutical companies lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang pondo ng bayan
  • May pag-aalinlangan si Sen. Zubiri sa bakuna ng Sinovac dahil sa mababang efficacy rate nito na diumano’y 50.4 percent

Magpapatawag ng isang executive session ang mga senador sa Biyernes, January 15, upang alamin mula sa mga opisyal ng pamahalaan ang presyo ng COVID-19 vaccines na binili o bibilhin ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, patuloy ang kanilang apela sa pamahalaan na maging “transparent” sa ginagawa nitong pakikipagnegosasyon sa pagbili ng mga bakuna kontra sa COVID-19.

“We’re going to an executive session so that they don’t of course violate their non-disclosure agreement. We will ask them to disclose the prices of their purchase of the vaccines, ‘yung amounts na babayaran, for transparency,” wika ni Sen. Zubiri.

Aniya, hindi dapat palaging ikinakatwiran ng gobyerno ang non-disclosure agreement nito sa mga pharmaceutical companies lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang pondo ng bayan.

“To us, ‘yung non-disclosure agreements cannot be used for government funds because we have to properly account it. Importante po ito. That is the key to transparency. Hindi naman puwede nating sabihin na: ‘Ah, huwag kayong mag-aalala, kami na ang bahala dito, kami ang may alam ng presyo, pero huwag kayong mag-alala, hindi tayo dehado.’ Hindi po puwede ang ganon sa gobyerno, dahil may COA po tayo,” anang senador.

Imahe maula sa Senate of the Philippines

Ang pamahalaan ay nakabili na ng 25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China at ang inisyal na 50,000 doses ay darating na sa bansa sa Pebrero.

May pag-aalinlangan ang marami sa bakuna ng Sinovac dahil sa mababang efficacy rate nito 50.4 percent lang na lubhang mababa kumpara sa ibang COVID-19 vaccines na mahigit 90 percent tulad ng sa Pfizer-BioNTech.

Imahe mula sa CGTN

Loading…