San Juan City Mayor Francis Zamora excited sa pagpasok ng anak sa PBB house

Imahe mula sa Twitter | Francis Zamora
  • Proud na proud si San Juan City Mayor Francis Zamora sa kaniyang anak na si Amanda na nakatakda nang pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house
  • Matagal na raw nila itong hindi nakakausap at nami-miss na nila ito ngunit masaya silang matutupad na ang kaniyang pangarap
  • Kuwento ng kaniyang ina, pumila na noon sa Araneta Coliseum si Amanda upang mag-audition at kahit di natanggap ay hindi ito takot na sumubok muli

Masayang ibinalita ni San Juan City Mayor Francis Zamora na malapit nang makapasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house ang kaniyang anak na si Amanda.

Imahe mula sa Twitter | Francis Zamora

Sa isang Twitter post ay nagbahagi ang alkalde ng mga larawan kung saan makikitang kausap niya ang anak sa pamamagitan ng video call. Matagal na raw niya itong hindi nakakausap dahil naghahanda na ito sa pagpasok sa Bahay ni Kuya.

“The last time we got to speak with Amanda was on Christmas Day through a video call. It has been nine days since then. We miss her dearly!” sabi ni Mayor Zamora.

Aniya, nakapasa na si Amanda sa medical tests at hinihintay na lamang na matapos ang kaniyang quarantine bago tuluyang makapasok sa bahay. “She will be entering the Pinoy Big Brother’s Bahay ni Kuya very soon! So excited to watch you, Amanda. It is a dream come true for you, my dear daughter,” sabi niya.

Imahe mula sa PBB

Naging supportive ang alkalde sa mga pinagdaanan ng kaniyang anak bago maging isang official na housemate.

Ang ina naman niyang si Keri Zamora, ibinahaging noon pa man ay nais na ni Amanda na makapasok sa Bahay ni Kuya. “Three years ago, even if I was hesitant, she lined up at 5 a.m. at Araneta Coliseum. She didn’t make it but that did not stop her from trying and trying. Like her dad, she never stops,” sabi ni Keri sa isang Facebook post.

Maraming netizens na ang nag-aabang sa pagpasok ni Amanda sa Bahay ni Kuya.

Source :

Twitter, Facebook

Loading…