Sec. Galvez umaasang magbabalik na sa normal ang buhay ng mga Pinoy sa 2023

Imahe mula sa PNA
  • Umaasa si vaccination czar Sec. Galvez na magbabalik na sa normal ang buhay sa 2023
  • Ganito rin halos ang nakikitang senaryo ni Health Secretary Duque
  • Ginagawa umano nila ang lahat para makamit ang tinatawag na ‘herd immunity’ ngayong taon

Dalawang taon pa ang bubunuin ng mga Pinoy hanggang maitawid ng pamahalaan ang kasalukuyang krisis sa COVID-19 pandemic at maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Ganito ang naging pagtataya ni Secretary Carlito Galvez Jr., na siyang nangangasiwa sa vaccination program ng gobyerno.

Imahe mula sa NEDA

Ayon sa kalihim, bagama’t mag-uumpisa na silang mamahagi ng COVID vaccine sa first quarter nitong taon, inaasahang sa pagtatapos pa ng 2021 darating ang malaking bahagi ng kanilang na-order na bakuna.

Dahil dito, umaasa si Galvez na babalik sa normal ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino sa taong 2023 pa.

“Following the guidance of the President, the vision of the Philippine vaccine roadmap is to save more lives, recover our economy and restore the normalcy in the lives of the Filipino people by 2023 through a sustainable immunization program,” paliwanag ng vaccination czar sa ginawang pagdinig sa Senado nitong Lunes, Disyembre 11.

“Our ultimate goal here is to protect the public and reduce mortality rates due to the pandemic,” dagdag na pahayag ng opisyal.

Imahe mula sa PCOO

Halos ganito rin ang nakikitang senaryo ni Health Secretary Francisco Duque III na umaasang maaabot ang tinatawag na ‘herd immunity’ laban sa COVID-19 ng bansa ngayong taon.

“Kung kakayanin ng mga manufacturer, best case scenario ay makakamit natin ang herd immunity po ngayong taon,” wika naman ni Duque.

Nakakasa na umano ang plano ng gobyerno para sa malawakang vaccination program kaya hindi malayong mabakunahan na ang lahat ng mga Pilipino pagdating ng 2023.

“Malinaw po ang ating layunin, to have a safe, equitable and cost-effective immunization to all Filipinos by 2023 or earlier when there is enough global supply before 2023,” ayon pa sa Health secretary.

Tiniyak din ng dalawang opisyal na ginagawa nila ang lahat para magkaroon ng sapat na supply ng bakuna sa mga darating na buwan upang maturukan ang 50 hanggang 70 milyong Pinoy upang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa.

Loading…