Sen. Pacquiao pinuri ang mga kapwa senador na nanawagan ng transparency sa pagbili ng bakuna

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Manny Pacquiao
  • Pinapurihan ni Sen. Pacquiao ang mga kapwa senador sa ginagawang pagbabantay sa COVID-19 vaccine procurement program ng pamahalaan
  • Partikular na binanggit ni Sen. Pacquiao sina Senator Ping Lacson at Senator Tito Sotto sa ginawang papuri
  • Nanawagan ang senador sa pamahalaan na unahin ang serbisyo sa taumbayan na labis-labis na raw angpaghihirap dahil sa pandemya

Pinuri at pinasalamatan ni Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, ang kanyang mga kapwa senador sa ginagawang pagbabantay sa transakyon ng gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Manny Pacquiao

Una niyang pinasalamatan si Senator Panfilo “Ping” Lacson na aniya ay nagpakita ng katapangan at ng pagmamalasakit sa bayan nang manawagan ito ng full transparency sa Covid-19 vaccine procurement program.

Nanawagan si Sen. Pacquiao na magtulungan ang lahat ng nasa pamahalaan at huwag gawing negosyo ang bakuna kontra sa COVID-19.  Dapat, aniya, na unahin ang serbisyo sa taong bayan na labis-labis na ang paghihirap na nararanasan dahil sa pandemya.

Dapat umanong patibayin ang paniniwala ng publiko sa bisa at kalidad ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila at kailangang mawala ang mga agam-agam sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang masimulan na ang mass vaccination.

Imahe mula sa Facebook

“Buhay at kabuhayan ng ating mga mamamayan ang nakataya dito kaya kasama natin si Senator Ping at iba pa nating mga kasamahan sa Senado sa kanilang ginagawang sakripisyo upang mabantayan ang isyung ito. Nagpapasalamat din tayo kay Senate President Tito Sotto dahil sa desisyon nitong buuin ang Committee of the Whole upang ito ay maimbestigahan,” pahayag ni Sen. Pacquiao.

Binigyang-diin niya na may karapatan ang lahat ng mga mamamayan na malaman ang lahat ng mga transaksyong pinapasok ng pamahalaan lalong-lalo kung may kinalaman iyon sa kaban ng bayan.

Imahe mula sa Freepik

Ang karapatang binanggit ng senador ay batay umano sa isinasaad ng Article 3 Section 7 ng Bill of Rights:

“The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.”

 

Loading…