Sen. Tito Sotto nagrereklamo sa hindi magandang internet service ng Converge

Imahe mula sa Senate of the Philippines
  • Tito Sottto tinawag na bulok ang internet service ng Converge ICT Solutions
  • Apat na araw na raw disconnected ang internet ng opisina niya at hindi sumasagot sa mga tawag ang Converge
  • Ipapuputol na raw ni Sen. Sotto ang Converge internet niya at hahanap na lang ng bagong internet provider

Maging si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay hindi nakaligtas sa madalas na disconnection ng internet at hindi maayos na customer service ng Converge ICT Solutions.

Naibulalas ni Sen. Sotto sa mga senate reporters ang kanyang pagkadismaya sa serbisyo ng Converge na tinawag niyang “bulok.”

Aniya, apat na araw na raw mula nang nawalan sila ng internet connection. Ilang ulit na umano silang tumawag sa Converge, subalit wala pa ring nangyayari.

“My Converge internet connection has been down for 4 days now. I’m getting rid of it! Bulok. We have been calling and calling and nothing happens,” reklamo ng senador.

Sasabihan raw niya ang kanyang opisina na huwag nang tawagan ang Converge dahil ipapaputol na lang niya iyon at maghahanap ng bagong internet provider.

“I’ll tell the office to stop complaining. I’ll just get rid of it and patronize another,” aniya.

Idinaan din ng senador sa Twitter ang reklamo niya sa naturang internet service provider na nagbigay naman ng kanilang standard response sa mga complaints na natatanggap.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

“Hi @sotto_tito, to protect your private information and to assist you better, please send us a private message. Thank you,” response ng Converge sa tweet ng senador.

Noong nakaraang taon, ang aktres na si Liza Soberano ay nagreklamo rin sa speed ng Converge internet.

“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer. Can’t even answer the phone whenever we call. How unprofessional,” reklamo ni Soberano noong September 6, 2020.

Screenshot mula sa Twitter account ni Liza Soberano

Ilang araw lang matapos maghimutok ng aktres sa social media ay inalok siya ng PLDT ng internet connection na 300 Mbps ang speed.

“Okay so @pldt cam to my house yesterday and hooked me up with the best internet I have ever experienced in my whole 5 years of living in this house. 300 Mbps. What a lifesaver. Lag? I don’t know her,” anang aktres dalawang araw lang ang lumipas matapos niyang ireklamo ang Converge.

Loading…