“Sige lang, push me some more”: Mayor Rex Gatchalian PLDT naman ang inirereklamo

Imahe mula sa ABS-CBN News/PLDT
  • Namumuro na rin ang PLDT sa Valenzuela City kay Mayor Rex Gatchalian
  • Ito ay dahil sa napakaraming reklamo umano na natatanggap ng alkalde laban sa telco
  • Pati ibang telco tulad ng Converge at Globe ay nadamay na rin

Isa na namang kumpanya ni Manny V. Pangilinan (MVP) ang mistulang namumuro ngayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian matapos makatanggap ng maraming reklamo mula sa mga subscribers ng PLDT.

Idinaan ni Gatchalian sa kaniyang social media accounts ang kaniyang pagkadismaya at babala laban sa PLDT dahil sa hindi raw maayos na serbisyo ng telco sa kaniyang mga nasasakupan.

Screenshot mula sa Facebook-Mayor Rex Gatchalian

“PLDT Cares I’m turning into your errands boy…people are lodging their complaints and concerns on my twitter account bec you guys refuse to act on your clients concerns,” wika ng alkalde sa kaniyang Facebook at Twitter nitong Miyerkules.

“I don’t work for you!!! Your boss doesn’t pay for my salary!!! Sige lang, push me some more. Let’s see what happens. Sobrang daming complaints vs PLDT and Converge,” banta pa ng opisyal na idinamay na rin ang isa pang internet service provider.

Pabor naman ang mga followers ng alkalde sa social media sa kaniyang sinabi tungkol sa ‘nakababanas’ na serbisyo ng PLDT.

Karamihan sa mga reklamo ng commenters ay ang paniningil umano sa kanila ng bill kahit wala namang internet connection.

Imahe mula sa Facebook- Mayor Rex Gatchalian

Ang iba naman ay napakabagal umano ng internet speed sa kanilang lugar na lubhang nakaapekto sa pag-aaral ng mga bata.

Pati ang Globe ay idinamay na rin ng ibang subscribers dahil sa kaparehas din umanong serbisyo – mabagal na internet at mas mabagal na aksiyon sa reklamo samantalang napabilis naman daw maningil.

Magugunitang sinuspendi ni Gatchalian ang business permit ng NLEX Corporation dahil sa napakagrabeng traffic sa Valenzuela na idinulot ng pagpapatupad RFID system.

Ang NLEX Corp. at PLDT ay parehong nasa ilalim ng pangangasiwa ni Manny Pangilinan.

Loading…