Simpleng wedding proposal ng lalaki sa isang fast-food chain kinakiligan

  • May hatid na kilig ang simpleng wedding proposal ng isang lalaki sa kaniyang nobya sa isang sikat na fast food chain
  • Hindi man daw mahal ang singsing, alam ng fiancee na may kahulugan ang naturang singsing na simbolo ng kaniyang commitment sa lalaking pakakasalan
  • Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizens, kakilala man o hindi kakilala

Marahil, isa sa mga highlights o natatanging pangyayari sa buhay ng isang dalagang may karelasyon na mahingi ang kaniyang kamay ng kaniyang nobyo, masambit ang mga katagang oo, na magiging hudyat upang maihatid at maiharap na siya sa dambana, para sa pakikipag-isang dibdib.

Bagama’t may ilang mga pakulo ang mga lalaki kung paano magiging memorable ang wedding proposal, may ilan din namang pinili itong simple, na naaayon lamang sa budget. Simple lang pero may dating ‘ika nga. Gaya ng ibinahagi ng soon-to-be-bride na si Angela Gracella Nepomuceno sa kaniyang Facebook post dahil nag-uumapaw ang kaniyang kasiyahan sa simpleng wedding proposal na ginawa sa kaniya ng fiance na si Jayson Santos nitong Enero 2021.

Imahe mula sa Facebook account ni Angela Gracella Nepomuceno

Sa isang sikat na fast food chain lamang nag-propose ang kaniyang fiance, at ang singsing na ginamit nito ay hindi naman mamahalin, subalit para kay Angela, punumpuno ito ng kahulugan at simbolo ng wagas na pagmamahal sa kaniya ng kasintahan.

Makikita sa kalakip na larawan na habang hawak ng lalaki ang kahita ng singsing, sa kaliwa naman ay hawak nito ang smartphone na may nakalagay na “Will you marry me?”

“Not the most expensive ring, but the most valuable! Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko habang kumakain, napaka- epic!! Salamat kasi ikaw ang dumating at hindi iba! I love you #SoontobeMrsSantos #KFCProposal,” caption ni Angela sa kaniyang post, na kinakiligan naman ng maraming mga netizens.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Not the price or the size but the value behind the ring and the promise to love you for the rest of your lives. Congratulations to the both of you!” pagbati ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Angela Gracella Nepomuceno

Pahayag naman ng isa, “Yung asawa ko noong nag-propose, hindi rin naman iyon yung mahal na singsing eh, nabili pa nga niya sa sale yung engagement ring ko. Hindi sa mahal ng singsing kundi yung love and efforts talaga na hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga. Congrats!”

“Mas epic yung sa amin haha. Sinama niya kong bumili ng couple ring sa SM tapos with engagement ring na rin. Habang pinapasukat niya yung ring sa mismong shop, sabi nya Will you marry me? Luhh! Iyon na pala ‘yon hahaha nakakahiya man pero nakakakilig. Three years na po kaming married,” salaysay naman ng isa.

Congratulations kina soon-to-be Mr. and Mrs. Jayson Santos!

Loading…