Skyway 3 fully operational na simula sa January 15

Imahe mula sa SMC
  • Tuluyan nang bubuksan sa mga motorista ang buong Skyway 3 mula sa SLEX sa Alabang, Muntinlupa City hanggang sa NLEX simula sa January 15
  • Mula 10:00 p.m. ng January 13 hanggang buong araw ng January 14 ay isasara ang Skyway 3 upang bigyang daan ang full inspection at opening ceremony
  • Mananatiling toll-free hanggang January 29 ang pagdaan sa Skyway Stage 3 (mula Buendia hanggang NLEX at vice versa)

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) na ang lahat ng pitong lanes ng Skyway 3 elevated expressway mula sa South Luzon Expressway (SLEX) hanggang sa North Luzon Expressway (NLEX) ay tuluyan nang bubuksan para sa mga motorista simula sa Biyernes, ika-15 ng Enero.

Imahe mula sa Bilyonaryo

Matatandaang nagkaroon ng soft opening ang elevated expressway noong December 29, 2020 at apat na lanes lang ang maaaring madaanan dahil sa mga finishing touches na ginagawa sa kahabaan niyon.

Ayon sa SMC, bilang paghahanda para sa gagawing opening ceremony, pansamantalang isasara ang Skyway 3 simula alas-diyes ng gabi nitong January 13 hanggang sa buong araw ng January 14.  Magsasagawa umano ng full inspection at iba pang pre-opening activities bago tuluyang buksan ang elevated expressway alas-singko ng umaga sa January 15.

“In preparation for the opening ceremony, Skyway management has set the closure of Skyway 3 starting 10 pm of Wednesday, January 13 through the whole day of January 14. A full inspection, set-up and staging of the opening, and other pre-opening preparation activities, are scheduled. The entire expressway will be opened to regular vehicular traffic starting 5 am of January 15,” ayon sa statement ng SMC.

Imahe mula sa SMC

Dahil sa Skyway elevated expressway na nagsisimula sa Alabang, Muntinlupa City, ang biyahe mula sa SLEX hanggang NLEX na dati-rati ay inaabot ng hanggang apat na oras ay magiging 30 minuto na lang. Ang pagbubukas ng Skyway 3 ay makatutulong din sa pagluwag ng trapiko sa EDSA at sa iba pang mga kalsada sa Metro Manila.

Mananatiling toll-free hanggang January 29 ang pagdaan sa Skyway Stage 3 (mula Buendia hanggang NLEX at vice versa).

Screenshot ng Facebook post ni Ramon S. Ang
Source :

SMC, Bilyonaryo

Loading…