So touching! Aso binabantayan ang lola na nag-alaga sa kaniya noon

Imahe mula sa Facebook | Glomarie Lising
  • Na-touch ang netizens bonding sa pagitan ng isang lola at ng kaniyang alagang aso
  • Nanatili kasi sa tabi ni lola ang kaniyang aso matapos itong magkaroon ng karamdaman
  • Ayon sa uploader, kung dati, ang kaniyang lola ang nag-aalaga sa kanilang fur baby, ngayon ay ito na ang nagbabantay kay lola

Maraming netizens ang naantig sa isang aso na tila binabantayan ang kaniyang amo na nagpapagaling matapos na magkaroon ng sakit sa puso.

Imahe mula sa Facebook | Glomarie Lising

Sa Facebook group na Dog Lovers Philippines ay ibinahagi ni Glomarie Lising ang larawan ng kaniyang furbaby na si Kobe at ng kaniyang lola Estelita Cornesta. Kung dati, ang lola niya ang nag-aalaga kay Kobe, ngayon naman ay ang aso na ang nagbabantay kay lola Estelita.

Kuwento ni Glomarie sa Inquirer, Setyembre noong isang taon nang magkasakit ang 87 anyos na lola kaya naman nanghina ito.

“Kasama ko po si lola Estelita sa bahay kaya tuwing aalis po ako at wala ako sa bahay, sina lola at Kobe ang naiiwan sa bahay,” sabi niya pa sa Inquirer.

Noong malakas pa ang pangangatawan, si lola Estelita raw ang nagpapakain at nagpapaligo sa kanilang mga aso.

Imahe mula sa Facebook | Glomarie Lising

“Makulit po na aso si Kobe. Hilig niya pong tumakbo at mag-roam around. Pero noong nakita niya si lola, sumampa siya agad sa kama ni lola at hinalikan niya po ito. Tapos super behave siya,” dagdag ni Glomarie sa parehong panayam.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Glomarie ang bonding nina Kobe at lola Estelita. “Lola, look how big I am na! Dati, ako alaga mo. Ngayon ikaw naman ang aalagaan ko. -Kobe,” sabi pa niya sa caption ng isa sa mga larawan.

Naantig naman dito ang netizens kaya naman dasal nila, sana ay muling lumakas si lola.

“Aww, nakaka-touch naman ‘to. I can’t explain ‘yong emotion between baby dog and lola. Get well soon po, lola. Take good care kay lola ha. God bless you both,” sabi ng netizen na si Richelle.

“Talagang kapag minahal po natin ang ating mga alaga, saan man tayo pumunta ay lagi po silang mananatili sa ating tabi,” sabi naman ni Jacky A.

Loading…