Solar-powered giant rosary ilalagay sa Rizal Park

  • Ilalagay ang solar-powered giant rosary sa Rizal Park
  • Itinuturing itong “world’s largest lighted rosary na pinatatakbo ng solar power” ng Guinness Book of World Records
  • Para ito sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa

Sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas nitong Enero 5, 2020,  binabalak na ilagay ang isang dambuhalang rosaryo na pagaganahin ng init ng araw o solar-powered giant rosary sa Luneta o Rizal Park.

Ang nasabing sining ay nagtataglay umano ng 3000 solar light bulbs na ginawa ng mahigit 400 celebrities kasama ang 2,600 na mga volunteers. Ayon sa Guinness Book of World Records, ito ang world’s largest lighted rosary na pinatatakbo ng solar power.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD / Public Domain Image

Ang nasabing solar-powered lighted rosary ay may habang 500 metro, kasama nito ang watawat ng Pilipinas at bantayog ng pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal.

Saad ni lliac Diaz, founder ng nonprofit group na “Liter of Light,” magkakaroon ng lighting ceremony upang ipakilala at ilunsad ang solar-powered lighted rosary at magiging highlight ng isang programa na tatawaging “Healing Rosary for the World.”

Ang disenyo ng rosaryo ay tila isang malaking mapa ng Pilipinas sa Luneta, at ang krus ay ilalapat sa Cebu, kung saan nagsimula ang Kristiyanismo, na dinala ng mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Thank you Lord God for this wonderful activity in celebrating the 500 years of Christianity. Mabuhay ang Iglesiang Katolika na nilikha ng Panginoong Diyos sa sanlibutan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana matuloy para makita ng mga tao ang pagpapahalaga o ang kahalagahan nito sa ating pananampalataya.”

Public Domain Image

“Sama-samang pagdarasal para sa ikahihilom ng mundo, ang ganda ng intensyon, napapanahon ngayon dahil sa dami ng nararanasan natin ngayon, respeto lang mga kapatid na taga ibang sekta, kasama kayo sa ipagdarasal namin,” saad naman ng isa.

Ang higanteng rosaryo na ito ay sumasalamin umano sa Pananampalatayang Katoliko, at sa sama-samang pagdarasal sa ikahihilom ng buong mundo.

Loading…