Sotto sang-ayon na ‘di puwedeng isapubliko ang mga presyo ng COVID vaccine

Imahe mula sa Senate of the Philippines
  • Nakita na ng Senate President ang mga dokumento ng kasunduan sa pagbili ng bakuna
  • Dahil dito, kumbinsido si Sotto na ‘di pa puwedeng isapubliko ang presyo ng COVID vaccine
  • Tuloy pa rin ang pagdinig sa Senado sa kabila nito, ayon sa lider ng Senado

Nakumbinsi si Senate President Vicente Sotto III na hindi pa nga maaaring isapubliko ang mga presyo ng binibiling bakuna ng Pilipinas para sa vaccination program ng gobyerno.

Ito ay matapos ipakita sa kaniya ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa kanilang meeting ang mga dokumento ng negosasyong ginagawa sa pagitan ng pamahalaan at pharmaceutical companies.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Maliban sa dalawang opisyal, ang naturang meeting ay dinaluhan din nina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, at contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

“We were able to see all the necessary documents and proposed agreements. Indeed there are nondisclosure agreements mandated by the pharma companies internationally,” ayon sa lider ng Senado.

BASAHIN: Galvez inatasan ng Pangulo na ipaalam kay Sotto ang detalye ng COVID vaccine deals

Ipaaalam niya umano ito sa kaniyang mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan lalo na ang tungkol sa mahahalagang nilalaman ng kasunduan.

Samantala, tiniyak rin umano sa kaniya ni Galvez na walang nangyaring ‘overpricing’ sa kontrata dahil direktang ibibigay ng bangko sa pharmaceutical companies ang bayad para sa bakuna.

Screenshot mula sa PCOO video

“Secretary Galvez assures us through the agreements that there will be no room for overpricing by any person, entity or group as all payments will go directly to the pharma companies from the lending institution who will also set in place proper safeguards,” wika pa ni Sotto.

Sa kabila nito, walang plano ang Senado na itigil ang pagdinig sa vaccination program ng pamahalaan, ayon kay Sotto.

Aniya, “The hearing will push through and hopefully we will be able to elicit enough information to be able to convince our countrymen that the vaccines no matter what brand will be necessary, for us to defeat the virus.”

Loading…